Vico Sotto 'patay' sa AlDub Nation pag niligawan si Maine | Bandera

Vico Sotto ‘patay’ sa AlDub Nation pag niligawan si Maine

Alex Brosas |July 29,2016
facebook
share this

Vico Sotto ‘patay’ sa AlDub Nation pag niligawan si Maine

Alex Brosas - July 29, 2016 - 12:40 AM

VICO SOTTO AT MAINE MENDOZA

VICO SOTTO AT MAINE MENDOZA

IMBENTO ang term na ginamit ni Vico Sotto sa chika ni katotong Reggee Bonoan na balak niyang ligawan si Maine Mendoza.

“Statement on the issue: the issue is when people have no issue about making an issue where there is really no issue. #tissue.”

‘Yan ang reaction ni Vico sa isyu sa kanila ni Maine.

“Sakto lang pic na pinili nila…yan ang reaction ko sa imbentong news. Hahaha!” reaction naman niya sa isang fan na nag-tweet sa kanya.

For sure, may pinanggalingan ang sinulat ni Reggee at hindi ito imbento lang. Walang reputasyon ang colleague namin dito na nag-iimbento ng balita.

Baka ang nangyari ay nagbibiruan ang mag-amang Vic Sotto at Vico at may nakarinig sa kanila na siyang si-nabi kay Reggee. Or wala naman talaga siyang balak ligawan si Maine at na-quote lang siya nang mali ng nakarinig sa kanya.

Actually, kung may balak si Vico na manligaw kay Maine ay kailangang mag-isip siya ng sandaang beses. Magiging kontrabida kasi siya sa AlDub fans na baliw na baliw sa tandem nina Maine at Alden Richards. For sure, makakatikim siya ng bashing mula sa loyal fans ng dalawa.

Haling na haling ang AlDub fans kina Alden at Maine at ang sinumang ma-link sa kanilang dalawa ay tiyak na mabibilad sa bashing.

Take the case of those celebrities na nag-post lang ng photo with Alden, hindi ba’t katakot-takot na bash ang i-nabot nila?

‘Yung mga chismis lin-king Alden to other Kapuso female celebrities, hindi ba’t naging malaking issue sa AlDub fans at nakatikim ng hagupit ng pangungutya ang mga ito nang matsismis sila sa binata?

Kapag nga nasulat nang hindi maganda sina Alden at Maine ay basher na kaagad ang tingin ng AlDub fans sa manunulat. Kukuyugin na nila ito ng lait as if they are perfect and blemish-free.

So, how did the AlDub fans reacted on the issue? Narito ang ilan sa mga aria nila.

“Ang dami talagang naninira sa tambalang Alden and Maine.”

“Imbento news pa more. Hindi ninyo mapipigilan ang Aldub!”

“Oh si Vico na ang nagsasabi niyan ‘No Issue’ at Imbento News yan. Period. May respeto sa relationship ni Alden and Maine.”

Nabasa rin naman namin ang ilang tweets ni Alden the other day and we believe na para iyon sa kanyang bashers lalo na yung mga naimbiyerna sa personal na pagbisita niya kay Tita Cristy Fermin noong mag-birthday ito.

He said, “Don’t worry about other people’s opinions of you. GOD never told you to impress people; only to love them.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If you’re kind and people may accuse you of ulterior motives… Be kind anyway. – Mother Teresa,” he added.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending