Ai Ai pwede nang magpakasal uli: Mega super single na! | Bandera

Ai Ai pwede nang magpakasal uli: Mega super single na!

Ervin Santiago |July 26,2016
facebook
share this

Ai Ai pwede nang magpakasal uli: Mega super single na!

Ervin Santiago - July 26, 2016 - 12:25 AM

aiai delas alas

PWEDE na uling magpakasal ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Kinatigan kasi ng Quezon City Regional Trial Court ang desisyon na kilalanin ang pagkaka-divorce niya sa ex-husband na si Jed Salang.

Inakala naman ng kanyang followers na naghiwalay na sila ng kanyang present boyfriend na si Gerald Sibayan dahil sa ipinost niyang status sa Instagram na, “Mega super single!” Natawa na nga lang ang komedyana dahil marami raw nagtanong kung pwede siyang maligawan dahil nga single na uli siya.

Narito naman ang kabuuang post ni Ai Ai tungkol sa kanyang status: “Tinext ako ng admin namin sa fan page ko sa fb. Hahaha natatawa ako kasi ang dami daw nag a apply kasi single na daw ako. Hindi po ako single may boyfriend pa din po ako. Medyo mali lang ang text ko.

“Kasi one year na ako divorce pero walang divorce sa pilipinas so kailangan ng enforcement of foreign judgement pa — at yun na nga lumabas na yung decision ng QC RTC GRANTING my petition to enforce divorce decree in the phil giving me permission to remarry again — PERO D PA DIN AKO MAG PAPAKASAL MATAGAL PA-Ang kagandahan lang malinis at walang wala na akong problema kung magpapakasal ako yun na yun.

“Ang meaning ng super single na ako) — at sa mga humahanga saken salamat pero taken na lola nyo hehe. Nakakatawa lang yung text agad agad. Atsaka sa edad kong to ha may gusto pang manligaw. Hahahahhaha yun ang d best na naakakatawa talaga! Sobrang laughtrip talaga!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending