Babala: Matinee idol, direktor, rakista patay kayo kay Digong! | Bandera

Babala: Matinee idol, direktor, rakista patay kayo kay Digong!

Jobert Sucaldito |July 22,2016
facebook
share this

Babala: Matinee idol, direktor, rakista patay kayo kay Digong!

Jobert Sucaldito - July 22, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM 0722IDAAN na lang natin sa blind item ang babalang ito. Pag nagkataon, patay ang maraming drug users sa aming industriya.

Kung seseryosohin talaga ni President Digong Duterte na mamamatay ang mga talamak sa drugs, maraming mga artista ang tiyak na papantay ang mga paa – kasama na ang love kong sikat na matinee idol na dating mahilig mag-bar.

Kasama rin diyan ang isang powerful executive na matagal nang natsitsismis na cocaine addict (pag nagkataon, who will take care of the stars?), mga directors na walang kebs sa puyatan sa tapings and shootings, mga rockers na talamak sa shabu and weeds.

Hay naku, kaya matakot na kayo – walang sinisino ang bagong pangulo natin. Kapag nasampulan ang kahit isa sa showbiz, matatakot ang mga iyan.

Let’s wait and see – change is really coming sa mundo natin. Kawawa ang unang masasampulan dito, pero at least sisikat talaga siya.

Hindi man masyadong sumikat sa pag-aartista or what pero sisikat ito for being the first na matsutsugi dahil sa bisyo. Kaya habang maaga pa, tumigil na sa droga. This is not a joke. Kayo rin, nasa huli lagi ang pagsisisi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending