Ex-Sexbomb dancer Sugar Mercado wanted sa child abuse | Bandera

Ex-Sexbomb dancer Sugar Mercado wanted sa child abuse

Djan Magbanua |July 07,2016
facebook
share this

Ex-Sexbomb dancer Sugar Mercado wanted sa child abuse

Djan Magbanua - July 07, 2016 - 04:22 PM

BUMANDERA sa Instagram account ng dating Sexbomb dancer na si Sugar Mercado ang umano’y pangha-harass na ginagawa sa kanya ng dating asawa. Ito ay matapos umano siyang akusahan ng child abuse, at ngayon ay ipinaaresto ng ama ng kanyang mga anak. Masama pa ang loob ni Sugar dahil kasama pa ang ina sa inakusahan ng child abuse ng dating mister. “Matagal nyo na kaming pinahihirapan ng mga anak ko!!! Malinaw sa original resolution ni Fiscal Lagasca, dismissed ang kaso ng child abuse laban sa amin. Malinaw din ang kanyang original recommendation: sampahan ng 5 kaso sa paglabag sa RA 9262 ang aking dating asawa.  Pero binalewala ang mga rekomendasyon ni Fiscal Lagasca. Kami ngayon ng aking ina ang kinasuhan ng child abuse.  At sa gitna ng matibay na mga ebidensya dinismiss ang kaso namin para sa VAWC.” “Hindi ako natatakot. Haharapin ko lahat ng mga kasong isasampa nila laban sa akin. Lalaban ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa mga anak ko. Ipaglalaban ko ang hustisya na nararapat para sa akin bilang biktima ng pang-aabuso. “Baliktarin man nila ang mga pangyayari, gamitin man nila lahat ng kanilang pera, lalaban kami ng aking buong pamilya. Hindi pa tapos ang aming laban. Umaasa kami na papanig sa katotohanan at papanig sa karapatan ng kababaihan ang korte at ang piskalya. Ang laban ko ay laban ng lahat ng mga babaeng tinatakot, sinasaktan, inaabuso at ninanakawan ng dignidad at ng karapatang mabuhay ng marangal.#LabanAngAbuso.” Kung matatandaan, noong nakaraang taon ay humingi ng tulong si Sugar sa mga kinauukulan tungkol sa diumano’y pang-aabuso ng kanyang mister na si Kristoffer Jay Go. Inireklamo ni Sugar ang mister dahil sa “emotional at physical abuse” na ginagawa nito sa kanya simula pa noong 2010.  Matapos magsampa ng reklamo ay madalas umano siyang makatanggap ng death threats. Nasa pangangalaga ngayon ng women’s group na Gabriela si Sugar. Ayon nga sa isang statement, isang mosyon ang kanilang ihahahain para palagan ang warrant of arrest ng korte sa Quezon City. “Today, a Motion for Reconsideration will be filed to protest the warrant of arrest issued by the Quezon City Courts against former Eat Bulaga talent, Sugar Mercado and to refute allegations of child abuse lodged against her by former husband Kristoffer Jay Go following the review resolution issued last June 17, 2016 by Senior Assistant City Prosecutor Dindo G. Venturanza.” “Venturanza reversed the earlier recommendation of the investigating Prosecutor Flordeliza Ramos-Lagasca. Lagasca found probable cause for the filing of charges of Anti Violence Against Women and Children Act against Kristoffer Jay Go while dismissing charges filed against Sugar Mercado and her mother, Yolanda Mercado. “It is an outrage that the courts are now party to the anguish that victims of violence and their families are subjected to. We join Sugar Mercado and her family iun standing up against this injustice. Clearly the courts erred in reversing the earlier ruling issued by Prosecutor Lagasca which saw merit in the complaint filed by Sugar Mercado and recommending that charges are filed against Kristoffer Jay Go,” ayon sa statement ni Gabriela Womens Party Rep. na si Arlene Brosas na mababasa sa Instagram account ni Sugar. Si Sugar ay miyembro ng all-female group na Sexbomb girls na sumikat sa Eat Bulaga.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending