Kris ipinagdasal ang tagumpay nina Duterte at Leni
Dumalo si Kris Aquino sa ginanap na oathtaking ceremony ni Vice-President Leni Robredo sa Quezon City Reception House, New Manila kahapon ng umaga kaya tinanong kaagad siya kung bakit wala siya sa Malacañang kung saan winelkam ni Pangulong Noynoy Aquino si President Rodrigo Duterte.
Sagot ni Kris, “Hindi, si Noy lang. I think, yun lang naman, di ba? Kasi hindi naman kami asawa. Kapatid lang kami.”
Sa panayam ng ilang reporters na dumalo sa oathtaking ni VP Leni ay sina P-Noy at PDuterte lang daw ang kailangan sa Malacañang.
“No, I think, di ba, if I’m not mistaken, hinahatid mo (yung outgoing president). Kasi, I think nu’ng 2010, yun din naman ang nangyari. So, I think that’s protocol,” katwiran ng ex-presidential sister.
Samantala, nag-post si Kris sa kanyang Instagram account kahapon ng umaga ng, “When I was praying last night, I thanked God for the memories we will treasure.
“What stood out in my heart was the opportunity to have been in the presence of @franciscus, attending His Mass w/ all other Filipinos who share our faith, and all the times Tito Noy made an extra effort to include Kuya Josh & Bimb.
“May God continue to bless President Duterte & Vice President Robredo, the success of our leaders is also the success of our country. MABUHAY ANG DEMOKRASYA!”
At habang nasa entablado si VP Leni ay nag-post ulit si Kris ng, “God bless you VP@lenirobredo.” At nagpa-picture rin silang dalawa pagkatapos ng panunumpa.
“Citizen Noy” na ang tawag ngayon kay P-Noy at kahapon din bago magtanghalian ay nakauwi na siya sa bahay niya sa Times Street, Quezon City. Sinalubong siya roon ng kanyang mga loyal supporter.
Kuwento pa ni Kris kahapon sa media, “Merong mga nag-organize. Hindi ko alam talaga. Kasi di ko naman bahay. Bisita lang ako. Pero nandu’n kaming lahat.
“May hinanda kami, may lunch. Ang hirap lang mag-plug, pero du’n sa mga franchise na pag-aari ko, may naka set-up mamaya du’n sa mga bibisita at dadalaw. Naghanda na ako. Kasi gusto niya, maraming pica-pica.
“So, handa yung isa sa mga brand na pag-aari ko, na magmula 12 noon hanggang kinagabihan merong pica-pica.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.