Timothy Tan, bagong dyowa supalpal kay Sunshine; Naglabas ng unang ebidensya | Bandera

Timothy Tan, bagong dyowa supalpal kay Sunshine; Naglabas ng unang ebidensya

Cristy Fermin |June 27,2016
facebook
share this

Timothy Tan, bagong dyowa supalpal kay Sunshine; Naglabas ng unang ebidensya

Cristy Fermin - June 27, 2016 - 12:35 AM

sunshine dizon at timothy tan

PINAKAKAIN ngayon ng ampalaya at apdo ng mga tagasuporta ni Sunshine Dizon ang nakahiwalay niyang asawang si Timothy Tan at ang itinuturong mistress nito na si Clarisma Soriano-Sison.

Araw-gabing inuupakan sa social media ang ama ng mga anak ng aktres, wala na ring kapanatagan ang buhay ngayon ng babae, dahil talagang inaaryahan ito ng mga nagmamahal at naaawa kay Sunshine. Nu’ng una ay matatapang pa ang dalawa, nag-iilus-yon lang daw ang aktres sa mga inila-labas niyang rebelasyon, wala raw ebidensiyang mailalabas si Sunshine laban sa kanila.

Malaking sampal kina Timothy at Clarisma ang inilabas na ebidensiya ng mga nagmamalasakit kay Sunshine, mismong mga flight manifesto ‘yun na nagpapatunay kung kailan sila umalis nang magkasama at kung saan-saan ang kanilang mga destinasyon, biglang nanahimik ang mga taong nagbigay nang matinding sama ng loob kay Sunshine.

Sabi nga ni prop, “Ano ba naman ‘yan? Mas ma-tapang pa ang mistress kesa sa legal wife? Baka akala nila, e, teleserye ang kinasasangkutan nilang mess ngayon! Sa TV at pelikula lang ang ganu’n. Sa totoong buhay, e, nahihiya dapat ang kabit!

“Nasaan naman ang respeto niya sa asawa at mga anak niya? Magkita na lang sila sa korte!” komento ng kaibigan naming propesor na tutok na tutok sa mga isyung-showbiz. Kung ang mga reaksiyon sa social media ang pagbabasihan ay tapos na ang laban. Naipanalo na ni Sunshine Dizon ang giyerang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending