Singer-actor nabiktima ng ilusyunadang female celebrity | Bandera

Singer-actor nabiktima ng ilusyunadang female celebrity

Cristy Fermin |June 25,2016
facebook
share this

Singer-actor nabiktima ng ilusyunadang female celebrity

Cristy Fermin - June 25, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM MF 0409

HINDI na pala kinaya ng isang guwapong singer-actor ang sobrang pagiging ilusyunada ng isang female personality.

Feeling ng lalaking personalidad ay masyado na siyang nagagamit sa pangsariling interes ng babae, kaya nagdesisyon na siya, pinutol niyang lahat ng kanilang koneksiyon. Wala siyang mababasa ay mas makagaganda sa singer-actor, wala siyang malalaman ay mas ligtas siya, kaya tapos na ang lahat ng ilusyon ngayon ng babae.

Kuwento ng aming impormante, “Sobrang OA naman kasi ang babaeng ‘yun! Pinalalabas niyang totoong-totoo ang mga ilusyon niya! Hindi lang naman ngayon ganyan ang babae, matagal na siyang Miss Illusion!

“Maraming beses na siyang ganyan, kakaibiganin niya ang guy, magiging close sila, tapos, ang palalabasin na niya, e, merong samting between them. Natural, nahihiya naman ang lalaki na magsabing ilusyon lang niya ang lahat!

“Ganu’ng-ganu’n din ang ginawa niya kay ____ (pangalan ng singer-actor), pinalalabas niyang meron silang relasyon, pero alam na alam niya naman na kaibigan lang ang turing sa kanya ng guy!” nakairap na kuwento ng aming source.

Sa pagkainis ay pinutol na ng tisoy na singer-actor ang lahat, naka-block na ngayon ang babae sa lahat ng social media accounts niya, para wala na siyang nababasang kahit ano mula sa girl. “‘Yun ang kinahinatnan ng friendship nila, sayang na pagkakaibigan, binigyan kasi ‘yun ng ibang interpretasyon ng ilusyunadang babaeng ‘yun!

“Sino na naman kaya ang susunod niyang friend na palalabasin niyang karelasyon niya? Nakakaawa naman ang mga lalaking pinaglalaruan ng babaeng ‘yun. Porke ba hindi siya ipinapahiya sa mga kalokahan niya, e, palagi na lang ganu’n ang gagawin niya?

“Naku, Bradly Guevarra, busugin mo na nga lang sa donut ang babaeng ‘yan para hindi siya nagugutom!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending