Anak ni Gabby bagong girlfriend ni Michael | Bandera

Anak ni Gabby bagong girlfriend ni Michael

Reggee Bonoan |June 01,2016
facebook
share this

Anak ni Gabby bagong girlfriend ni Michael

Reggee Bonoan - June 01, 2016 - 12:40 AM

michael pangilinan at garrie concepcion

SA nakaraang guesting ni Michael Pangilinan sa Tonight With Boy Abunda para sa promo ng pelikula nila ni Edgar Allan Guzman na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na idinirek ni Joven S. Tan (distributed by Viva Films) ay inamin nitong girlfriend na niya ang anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna na si Garrie.

Diretso ang tanong ng King of Talk na si kuya Boy kay Michael kung sila na ni Garrie at kaagad nitong sinagot, “Opo, ayoko ng paliguy-ligoy.” Sabay paliwanag ni Michael na, “Kung may ayaw sa akin dahil hindi ako perfect, kagaya nga ng sinabi natin, e, tatanggapin ko, okay lang.”

Hindi naman daw kaagad napasagot ni Michael ang dalaga kaya naman nu’ng naging sila ay talagang sobrang saya niya. Kuwento ng baguhang singer/actor, “Nagulat nga po ako kasi sobrang bait nila (pamilya ni Garrie) sa akin at mapapamahal ka lalo kasi hindi ka nila tiningnan kasi di ba, sino lang ba ako.”

Dugtong ni kuya Boy, “Na mayaman sila?” “Yun po ang pinakanagustuhan ko na mayaman nga sila pero hindi naman nila pinapansin na (mahirap ako). Nagpapasalamat po ako sa mga Ibuna kasi sobrang tinanggap naman po nila ako,” ani Michael.

At sa tanong ni kuya Boy kung ano ang sasabihin ni Michael kung sakaling magkasalubong sila ng ama ni Garrie na si Gabby, “Ipagpaumanhin niyo po kung anuman po ang mayroon sa amin ng inyong anak. Pero iginagalang ko po lahat at minamahal ko nang mabuti ang inyong anak,” pahayag ng binata.

Noon pa man ay gusto na namin ang alaga ng katotong Jobert Sucaldito dahil kapag tinanong mo siya ay sumasagot siya ng totoo kesehodang tungkol sa pribado niyang buhay lalo na nu’ng tanungin siya na magiging tatay na siya dahil tatlong buwang buntis noon ang ex-GF niyang taga-showbiz din.

Nangyari ang tsikahan ito pagkatapos ng presscon ng Your Face Sounds Familiar Season 2. Kung hindi kami nagkakamali ay unang regular show ni Michael ang YFSF2 at hindi niya inisip na makakasira sa career niya ang o ang pag-amin niyang magiging tatay na siya sa edad na 19.

Ang paliwanag niya noon, “Ayoko pong itago o itanggi na magkaka-anak na ako kasi eventually, malalaman din naman po, saka baka isipin ng anak ko, itinago ko siya, masyado ng high tech ngayon, isang pindot mo lang mababasa mo na lahat, ayokong pagdating ng araw ay kuwestiyunin po ako ng anak ko.”

Anyway, sa nakaraang presscon naman ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ay naging lesson learned na raw kay Michael ang nangyari sa kanila ng ex-girlfriend niya kaya maingat na siya at career ang focus niya para sa kinabukasan ng kanyang anak at siyempre sa babaeng minamahal niya ngayon.

Sa panayam din ng TWBA ay inamin ng binata na nahirapan siyang umarte sa “Pare, Mahal Mo Raw Ako” dahil hindi naman daw siya artista at singer siya kaya hiningi niya ang tulong nina EA (Edgar Allan) at Ms. Nora Aunor na gumaganap na nanay ni EA sa kuwento. Mapapanood na ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa mga sinehan simula Hunyo 8.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending