Tinanggal na solon agaw-eksena sa proklamasyon | Bandera

Tinanggal na solon agaw-eksena sa proklamasyon

Leifbilly Begas |May 30,2016
facebook
share this

Tinanggal na solon agaw-eksena sa proklamasyon

Leifbilly Begas - May 30, 2016 - 05:21 PM

Kamara

Kamara


Agaw-eksena sa proklamasyon kahapon si dating Northern Samar Rep. Harlin Abayon matapos niyang kuwestyunin ang hindi pagtawag sa kanyang pangalan sa roll call ng Kamara de Representantes.
Umabot sa punto na inatasan ni House majority leader Neptali Gonzales II si Sgt.-At-Arms Nicasio Radovan na palabasin si Abayon kung magpapatuloy ito sa pagsasalita.
Sinabi ni Abayon na siya ay nasa kanyang tanggapan noong nakaraang linggo ng hindi niya marinig ang kanyang pangalan sa roll call.
Ang tinawag ay ang kanyang kalaban na si Rep. Raul Daza.
Ayon kay Abayon may dala siyang desisyon ng Korte Suprema na nagsasabi na siya ang nanalo noong May 2013 elections.
Binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng House of Representatives Electoral Tribunal noong Pebrero 7.
Si Abayon ay miyembro ng Nacionalista Party samantalang si Daza ay kabilang sa Liberal Party.
Umupo si Abayon noong 2013 pero noong Pebrero ay naglabas ng desisyon ang HRET at sinabi na si Daza ang nanalo kaya siya ay pinalitan sa roll of members ng Kamara.
Noong 2013 ay naghain si Daza ng electoral protest dahil nagkaroon umano ng dayaan kaya tinalo siya ni Abayon ng 52 boto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending