Baron may kakambal na kamalasan, laging sinusundan ng iskandalo | Bandera

Baron may kakambal na kamalasan, laging sinusundan ng iskandalo

Cristy Fermin |May 30,2016
facebook
share this

Baron may kakambal na kamalasan, laging sinusundan ng iskandalo

Cristy Fermin - May 30, 2016 - 12:25 AM

baron geisler

NANG ipanganak siguro si Baron Geisler ay hindi i-nunan kundi gulo at away ang kakambal niya. Pagkatapos ng mga serye ng gulo na kinasangkutan niya ay heto, nakapagitna na naman siya sa kontrobersiya, tama man o mali ay siya pa rin ang inuupakan ngayon sa social media.

Ang dahilan, alak na naman, may iba pa ba? Ang nakaengkuwentro niya ay ang indie actor na si Kiko Matos, may kataltalan daw kasi itong bar tender, pumasok sa eksena ang magaling na aktor na palaging nahahalo sa mga gulo.

Kasabay ni Kiko Matos si Ahron Villena sa isang pa-contest ng ABS-CBN, ang You’re The Man, ito ang pinakabata sa lahat ng mga kalahok. Mas maraming naniniwala na walang kasalanan si Baron, nakikipagkasundo pa nga siya kay Kiko, pero sa halip na abutin ang kanyang kamay ay inupakan pa siya ng lasing na rin sigurong indie actor.

Pero sino pa rin ang si-nisisi ng ating mga kababayan? Si Baron pa rin. Siya pa rin dahil lantad sa buong mundo na kapag nalalasing na siya ay gulo ang kanyang hanap. Talo siya sa imahe, sa pampublikong persepsiyon, kaya kahit siya na ang nasa tama ay siya pa rin ang bi-nubukulan ngayon sa social media.

Wala naman kasing kadala-dala ang lalaking ito! Katatapos lang niya sa isang gulo, away na naman ang isyung kinapapalooban niya ngayon, ano ba naman ‘yan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending