Alamin kung bakit ba nakunan si Mariel; Robin may inamin | Bandera

Alamin kung bakit ba nakunan si Mariel; Robin may inamin

Ervin Santiago |May 25,2016
facebook
share this

Alamin kung bakit ba nakunan si Mariel; Robin may inamin

Ervin Santiago - May 25, 2016 - 11:45 AM

mariel at robin

INAMIN ni Robin Padilla na kasalanan niya kung bakit nakunan noon ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Aniya, hindi niya sinunod ang payo ng mga doktor na mag-undergo sa isang “painful” heparim regimen si Mariel para makasiguro na hindi malalaglag ang baby sa sinupupunan nito. Dalawang beses nakunan si Mariel, isa noong March 2015 at huli noong September.

“Ang pinaka-support ko na ngayon sa kanya ay hindi ko kinokontra ‘yung mga injection, kailangan na niya talaga ‘yun kaya hindi na ako kumokontra,” ani Binoe nang tanunging ng press kung ano ang ginagawa niyang suporta ngayong buntis na uli ang kanyang misis.

Dagdag pa ng aktor, “Kasi noong una niyang pagbubuntis ay hindi ko talaga sinuportahan. Sa akin kasi, hindi organic iyon. Ngayon, dahil gusto na niya talaga ay umayag na lang ako. Kasi mahirap makita iyon. Tuwing umaga at gabi, hindi madaling makita ang asawa mo na nahihirapan.”
Kapag babae, Maria ang ipapangalan nila sa baby Robinhood II naman kapag lalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending