Mariel 3 buwang buntis; Robin todo pasalamat sa pamilya ng showtime | Bandera

Mariel 3 buwang buntis; Robin todo pasalamat sa pamilya ng showtime

Ervin Santiago |May 22,2016
facebook
share this

Mariel 3 buwang buntis; Robin todo pasalamat sa pamilya ng showtime

Ervin Santiago - May 22, 2016 - 02:00 AM

robin padill
KINUMPIRMA na ni Mariel Rodriguez sa It’s Showtime kahapon na buntis na uli siya sa panganay nila ni Robin Padilla. Three months na ang baby sa sinapupunan ni Mariel.

“Ang laki ng naging part ninyo sa naging journey ko because simula nung pumasok ako sa Showtime, naging relaxed ako, hindi ako na-pressure, mas naging masaya ako,” sey ni Mariel sa Showtime. Dagdag niya, “I think because of this, totoo talaga yung sinasabi nila that everything happens in God’s time.”

Pinasalamatan naman ni Binoe ang co-hosts ni Mariel dahil sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanyang asawa, “Nais ko magpasalamat sa lahat ng host, staff crew, at audience ng Showtime sa pagbibigay ng kaligayahan sa aking Mariel. Dumating kayo sa buhay niya sa oras ng kanyang matinding kalungkutan.

“Kayo ang naging hudyat para harapin niya ang umaga nang may ngiti at pag-asa, araw-araw, ala sais pa lang, ready na siyang maging host niyo, kaibigan, at kapamilya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending