Horoscope, May 02, 2016 | Bandera

Horoscope, May 02, 2016

Madam Sophia |May 02,2016
facebook
share this

Horoscope, May 02, 2016

Madam Sophia - May 02, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mga kaibigan ang kailangan upang ikaw ay lumigaya. Tandaang kapag nawalan ka ng kaibigan, may lungkot at kabiguang mararamdaman. Madaliin mo rin naman ang makapag-asawa, upang tuloy-tuloy ka ng magtagumpay at lumigaya. Mapalad ang 8, 19, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Ngayon na ang panahon upang mag-bago. Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka agad ng kumilos. Sa pag-ibig, walang forever kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang ideal na relasyon. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Pink at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Kung nais mag-negosyo, ngayon na dapat! Mga bagay na may kaugnayan sa pagkain ang magpapaunlad sa iyo. Upang mas mabilis na yumaman, isosyo ang kasuyo na may birth date na 5, 14, at 23. Mapalad ang 9, 18, 27, 35, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Violet at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag umasa sa iba! Mag-establishe ng sariling career at negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi puwede na puro pagtitipid na lang kung ang kalusugan mo ang napapabayaan. Sa pag-ibig at pang-pinansyal, magpasama sa kasuyo upang magpa-general check-up, sa ganyang paraan maiiwasan ang biglaang karamdaman. Mapalad ang 4, 17, 22, 26, 34, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Laging isara ang bibig at iwasang magyabang. Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit may isang naka-yellow, na magbibigay sa iyo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa yellow, buenas ang pink.

Virgo – (August 23 – September 22)—Pahalagahan ang bawat oras. Samantalahin ang bawat segundong dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat minuto upang ipadama sa iyong kasuyo ang iyong pagmamahal. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 44 at 49. “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” White at apple green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Pagdating ng bahay bulungan ng “I love you” ang kasuyo. Sa ganyang paraan, muling iinit ang relasyon. Sa pinansiyal, tandaan ang basic principle: “Habang may pagmamahalan, patuloy ang dating ng magandang kapalaran.”. Mapalad ang 6, 19, 23, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi pa huli ang lahat, umpisahan ng mag savings at magtipid-tipid, upang may mangyari sa mga salaping pinaghihirapan. Sa pag-ibig, masarap kang romomansa kaya hindi ka nila makakalimiutan. Mapalad ang 3, 9, 19, 28, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Purple at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon pa lang paglaanan na ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, dahil sa maling balita may pagsubok na darating sa inyong relasyon. Dapat kang magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 6, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Silver at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Laging lumingon sa pinanggalingan, upang hindi malustay ang maraming salapi na tinatamasa sa ngayon. Isaisip ang ganitong kataga: “Kailan man’y hindi na ako babalik pa sa kahirapan!” Sa pag-iibig, makuntento sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva-Om.” Green at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala ng salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Orange at gray ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Hindi dapat maging emosyonal. Laging tandaaan ang kasabihang: “Walang personalan, pera-pera lang!” Sa pag-ibig, wag seryosohin ang kasuyong Leo, paluluhain ka lang niya. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending