Sarah nagpakaligaya sa Cebu kasama si Matteo, walang kasamang 'Bodyguard' | Bandera

Sarah nagpakaligaya sa Cebu kasama si Matteo, walang kasamang ‘Bodyguard’

Ervin Santiago |March 28,2016
facebook
share this

Sarah nagpakaligaya sa Cebu kasama si Matteo, walang kasamang ‘Bodyguard’

Ervin Santiago - March 28, 2016 - 02:00 AM

sarah geronimo

MULING pinakilig nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang mga tagasuporta nang kumalat sa social media ang ilan nilang litrato na magkasama. Ayon sa mga nabasa naming chika mula sa ilang fans ng Pop Queen, nag-date ang magdyowa sa Cebu kung saan nilibot ni Matteo si Sarah sa ilang tourist spots sa Cebu.

Sa isang litratong nakita namin, magkasama sina Sarah at Matteo sa Go-Karting Adventure sa Kartzone sa Cebu. May isang picture rin ang magdyowa na kuha raw sa bagong restaurant ng hunk actor sa Cebu.

Todo nga raw ang pasasalamat ni Matteo na pumayag ang kanyang girlfriend na sumama sa opening ng kanyang resto. Siguradong ginawang lucky charm ng binata sa kanyang bagong business ang singer-actress.

Pero ang tanong, totoo nga kayang walang kasamang bantay o alalay si Sarah nang magpunta sa Cebu with her boyfriend? Kung true ito, aba big deal ito para sa dalaga na for the longest time ay bantay-sarado sa kanyang parents.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending