Alden muling binalaan:  bawal pa ring mag-endorso ng kahit sinong kandidato | Bandera

Alden muling binalaan:  bawal pa ring mag-endorso ng kahit sinong kandidato

Julie Bonifacio |March 16,2016
facebook
share this

Alden muling binalaan:  bawal pa ring mag-endorso ng kahit sinong kandidato

Julie Bonifacio - March 16, 2016 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

NAKATABI namin si Laguna Cong. Dan Fernandez sa nakaraang Star Awards for Movies kung saan nanalo rin siya bilang Darling of the Press ng Philippine Movie Press Club. Ayon kay Cong. Dan, tumatakbo siya ngayon bilang mayor ng Sta. Rosa, Laguna.

Mas lalong nakilala ngayon ang Sta. Rosa dahil dito nakatira ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Kwento ni Cong. Dan, alaga raw ng mga Arcillas, specifically, si Sta. Rosa Mayor Arlene na aspirant sa Congress ngayong eleksyon, si Alden.

“Mommy niya yun, Mommy Ofie ang tawag ni Alden. Pero hindi sila magkamag-anak. Pero si Ofie rin ang sumuporta sa kanya noon magmula Ginoong Sta. Rosa hanggang ngayon sa showbiz career niya,” lahad ni Cong. Dan.

Pero itinanggi ni Cong. Dan na ini-endorse siya ni Alden at ang iba pa niyang mga katiket sa partido, “Huwag na nating ilagay sa alanganin si Alden kasi according to GMA, hindi siya pwedeng mag-endorse. Kaya huwag na natin siyang ilagay sa alanganin,” diin pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending