Gaya ni PNoy, paninigarilyo isyu din kay Poe | Bandera

Gaya ni PNoy, paninigarilyo isyu din kay Poe

Leifbilly Begas |February 12,2016
facebook
share this

Gaya ni PNoy, paninigarilyo isyu din kay Poe

Leifbilly Begas - February 12, 2016 - 04:26 PM

grace poe
Hinaharap din ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe ang isyung ipinupukol ng mga kritiko kay Pangulong Aquino— ang paninigarilyo.
Ayon kay Poe bagamat masama sa kalusugan, hindi ipinagbabawal ng batas ang paninigarilyo pero dapat hanapan ng solusyon upang matigil.
“Alam mo, ‘yan din ang ini-issue nila sa ating Pangulo…. Pero sa tingin ko, ang mas dapat nating tutukan sa mga kandidato ay magboluntaryong magbigay ng drug test sapagkat ‘yan ang illegal. ‘Yan ang hindi nararapat sa ating batas,” ani Poe.
Sinabi ni Poe na kung posible ang lahat ng kumakandidato ay sumailalim sa drug test.
“At hindi puwedeng urine sample lang, kailangan blood at kailangan hair (sample) sapagkat makikita mo not just the past weeks results kundi years. ‘Yun ang para sa akin na dapat talagang tutukan kasi ‘yun ang nagiging salot sa ating bansa,” dagdag pa ni Poe.
Pabor din si Poe sa pagsisiwalat ng kanyang medical record para maipakita sa publiko na wala siyang itinatagong karamdaman.
“Naniniwala ako na may karapatan ang ating mga kababayan na malaman ang katotohanan sa lahat ng bagay lalong-lalo na kung ito ay makaka-apekto sa iyong trabaho. …Para sa akin, I’m willing to submit a health certificate from a respected physician that will certify that I am physically fit to run for public office.”
Nauna rito ay inamin ni Poe na siya ay nagkaroon ng kidney stone subalit natunaw na umano ito ng hindi siya sumasailalim sa operasyon.
“Noong ako’y Grade 5, nagkaroon ako ng tonsillectomy, or Grade 6 ba yun, ang tatay ko takot na takot. Kaya ang unang bisita ko si Gabby Concepcion, paggising ko ulit, nandoon din si William Martinez. Hindi, kasi yun yung mga kapanahunan nila, siguro mga Grade 6 ako noon.”
Sinabi ni Poe na nangangayayat siya dahil kulang ang kanyang tulog at kung minsan ay nalilipasan na ng gutom. Nakabuti naman umano ang kanyang pagpayat dahil ‘minsan mas maliksi tayo kumilos at mas masaya tayo pag nakakabawas tayo ng konting timbang’.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending