Walang nanalo sa jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Huwebes ng gabi na umabot sa P104.6 milyon.
Inilagay ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jackpot prize sa Linggo sa P112 milyon.
Ang winning number combination sa huling bola ay 31-27-19-20-11-28.
Nanalo ng tig-P36,660 ang 43 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P450 naman ang napanalunan ng 2,750 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 41,783 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.