Bitoy, Iya nanawagan sa AlDub | Bandera

Bitoy, Iya nanawagan sa AlDub

Djan Magbanua |February 11,2016
facebook
share this

Bitoy, Iya nanawagan sa AlDub

Djan Magbanua - February 11, 2016 - 02:00 AM

michael v

MUKHANG “V” for victory ang magiging pilot episode ng bagong progama ng GMA 7 na Lip Sync Battle Philippines to be hosted by two “Vs” din ng Kapuso network, sina Michael V at Iya Villania.

Ang Lip Sync Battle na isang orignal TV series sa US kung saan naglalaban-laban ang mga sikat na artista para magpagalingan sa pagli-lipsync. Na-feature na nito ang ilang sikat na Hollywood celebrities na nag-viral pa sa social media ang mga performances katulad nina Anne Hathaway, Dwayne “The Rock” Johnson, John Legend, Justin Bieber at marami pang iba.

Nakuha ng GMA Network ang rights ng show at kinuha nga si Bitoy para maging host habang si Iya naman ang magsisilbing color commentator. Ayon sa TV host-comedian, noong pinapanood pa lang niya ito, nasabi niya sa kanyang sarili na kapag nagkaroon ng Lip Sync Battle sa Pilipinas sana siya ang maging host na natupad nito.

“Kahit di pa pine-present sa akin ito, napapanood ko pa lang sa TV, parang ang sarap-sarap nang gawin, parang naisip ko agad kung gagawin dito yun sa atin sana ako ang mag-host,” ani Bitoy.

Bilang color commentatator naman, makikipagkulitan si Iya sa mga celebrity contestants, “Puro enjoy lang kami dito. Ang magiging laban sa show, yung production. Naipatupad ang pangarap ng contestants na gusto ko ganito, gusto ko ganyan kabongga.

Kami puro chika lang at puro tawa so kayang-kaya.” Mapapanood din sa pilot episode, kung paano sasabak sina Iya at Bitoy sa pagli-lip sync na ayon kay Michael V ay first time na ginawa para sa Lip Sync Battle.

“First time yata ito na ginawa sa isang franchise, na nag-sing din yung mga host. Para maiba lang, kaya ginawa naming special yung pilot,” sabi ni Michael V. Sa game na ito, dalawang Kapuso celebs ang maglalaban-laban every week, at dapat ay talagang close sila para magkaroon ng magandang good natured asaran ang dalawa.

Magkakaroon ng dalawang rounds sa bawat episode. Sa Round 1 na tinatawag na “Strip Down” ay kakanta sila sa awit na kanilang pinili na pa-lip sync kung saan mag-aasaran ang dalawa.

Sa Round 2 naman na “Full Blown Concert” masusubok ang creativity ng dalawang manlalaro dahil dito na hahaluan ng costumes, back-up dancers at kung ano-ano pang gimik ang kanilang performance.

Nanonood din ang kanilang kalaban habang nagpeperform ito para mas masaya ang asaran ng dalawa.
Para nga sa pilot ang kinakiligang loveteam sa naging sensational na primetime series na My Husband’s Lover ang unang mag-aasaran; si Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

Natanong namin ang mga hosts kung kamusta naman ang naging laban ng dalawa. “Di namin inasahan. Ako, akala ko ganito lang ang gagawin nila, kasi noong Round 1 normally mas madali eh, yung Round 2 talaga ang grabe!” ani Michael V.

Namangha naman si Iya sa ipinakitang intensity ng dalawa sa pagpe-perform, “Namangha ako sa gigil nila. Todo bigay, wala silang tinira para sa sarili nila. Binigay nila lahat akala mo performance of lifetime.

Si Tom natawa ako, talagang ano eh…sabi ko uy, wala tong pera ah, wala ‘tong cash prize ah!” natatawang kwento nya. Ang makukuha lang ng winner ay ang bragging rights na matawag na Lip Sync Battle champion at ang Lip Sync Champion belt.

Mapapanood na tuwing Sabado ang Lip Sync Battle Philippines sa darating na Feb. 27, pagkatapos ng Magpakailanman, sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Natanong naman si Michael V kung posibleng mag-guest sa bagong show nila ang sikat na sikat na dubsmash loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza. “I hope so. Kami ginagawa namin ang lahat ng paraan para makuha sila.

Kasi lip sync talaga, isa sa mga paborito ng Pilipino yan,” sagot ni Bitoy. Pero para mas lumaki ang chance na makuha ang dalawa ay mananawagan daw sina Iya at Bitoy sa AlDub Nation at sa MainDen na tulungan silang manawagan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Alden at si Maine abangan sa Lip Sync Battle Philippines, malapit na! Sana mag-viral ito! Aldub Nation Mainden heaven kayo ng bahala!” biro ng dalawa. Kung magpe-perform naman ang AlDub kung sakali ay nais nilang hayaan ang dalawa sa pag-isip ng idea para magulat sila.

Bukod sa kanila, gusto rin nilang mai-guest sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos at ang magkaibigang sina Solenn Heussaff at Lovi Poe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending