Mark Bautista marespeto sa magulang kaya pinagpapala | Bandera

Mark Bautista marespeto sa magulang kaya pinagpapala

Cristy Fermin |February 10,2016
facebook
share this

Mark Bautista marespeto sa magulang kaya pinagpapala

Cristy Fermin - February 10, 2016 - 02:00 AM

mark bautista

Isa si Mark Bautista sa mga hosts ng bagong talent search ng TV5, ang Born To Be A Star na napapanood tuwing Sabado at Linggo nang gabi, nakakatuwang balikan ang karera ng magaling na singer-actor.

Nu’ng mag-audition si Mark para sa Star For A Night kung saan sila naglaban-laban nina Sarah Geronimo at Angeline Quinto ay nakisakay lang siya sa isang cargo ship papunta sa Maynila mula sa Cagayan de Oro City.

Napanood namin ang grand finals ng talent search, may kabaduyan pa ang itsura at porma nu’n ng binatang singer, si Sarah Geronimo ang nagkampeon. Pero ngayon ay isa na siya sa mga hosts ng isang labanan, magandang alalahanin ang kanyang nakaraan nang dahil sa Born To Be A Star, ang dating kalahok lang ay sikat nang singer-actor ngayon.

Saludo kami kay Mark sa pagiging marespeto sa kanyang mga magulang, suportado rin ni Mark ang kanyang mga kapatid, hindi pinagbago ng popularidad ang magandang pagpapalaki sa kanya.

Nu’ng magkasama kami sa Amerika para sa isang show ay nasaksihan namin ang pagiging marespeto ni Mark sa kanyang ama.  Hindi nawawala sa kanyang bokabularyo ang po at opo, inaasikaso niya ang kanyang magulang kahit saan, kaya naman lalo pa siyang pinagpapala.

Ang contestant nu’n ay host na ngayon, may karapatan siyang magbigay ng payo sa mga kalahok, dahil pinagdaanan ‘yun ni Mark Bautista bago siya magkaroon ng magandang kapalaran sa mundo ng musika.
Born to be a star si Mark Bautista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending