Hubert Webb nagpasakal na sa babaeng nakilala sa Bilibid | Bandera

Hubert Webb nagpasakal na sa babaeng nakilala sa Bilibid

|February 07,2016
facebook
share this

Hubert Webb nagpasakal na sa babaeng nakilala sa Bilibid

- February 07, 2016 - 02:24 PM

SINO bang hindi nakakikilala kay Hubert Webb, ang anak ng dating senador at basketbolistang si Freddie Webb.

Knows ba ninyo na nagpakasal na ito nitong Sabado sa isang babae na nakilala niya habang siya ay nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP)?

Ikinasal si Hubert at kanyang kabiyak sa  St. Andrews Cathedral sa Parañaque City, ayon sa report ng ABS-CBN.

Na-engaged ang 45-anyos na si Hubert sa kanyang girlfriend noong Disyembre 2014.

“Yun ang liwanag sa dilim ng buhay ko,” ang sinabi umano ni Webb sa kanyang wedding vow.

Hindi naman tinukoy ni Hubert ang pangalan ng misis na isang chef na bata sa kanya ng anim na taon.

Nakulong si Hubert ng 10 taon matapos siyang ma-convict noong 2000 kasama ang limang iba pa sa pagpatay sa mag-iinang sina Estrellita Vizconde at mga anak na sina Carmelo at Jennifer sa bahay nila sa Paranaque noong 1991.  Taong 2010 nang ma-acquit siya ng Korte Suprema.

Si Hubert ay tumatakbo ngayong konsehal sa unang distrito ng Paranaque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending