Pia kilig na kilig, napayakap kay Sam nang halikan sa harap ng madlang pipol | Bandera

Pia kilig na kilig, napayakap kay Sam nang halikan sa harap ng madlang pipol

Reggee Bonoan |January 30,2016
facebook
share this

Pia kilig na kilig, napayakap kay Sam nang halikan sa harap ng madlang pipol

Reggee Bonoan - January 30, 2016 - 03:00 AM

SAM MILBY AT PIA WURTZBACH

SAM MILBY AT PIA WURTZBACH

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito kahapon tungkol sa sinabi ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach na gusto niyang maging leading man si Sam Milby sakaling mabibigyan siya ng tsansa na gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

Maraming kinilig na supporters nina Sam at Pia at talagang nag-trending pa ito sa social media.

Hindi pa pala roon nagtapos ang kuwento dahil kinagabihan nu’ng Huwebes sa homecoming tribute para kay Pia sponsored by ABS-CBN Star Magic na dinaluhan ng lahat ng naging beauty queens ng Pilipinas sa Araneta Coliseum hosted by Xian Lim and Venus Raj ay nagkita nang personal sina Sam at si Miss Universe. Talagang hiyawan to the max ang audience sa Big Dome.

Sina Sam at Piolo Pascual kasi ang humarana kay Pia at habang kumakanta ang una ay talagang sumisigaw ang tao sa loob ng Araneta ng “Sam-Pia”.

Pagkatapos ng production number nina Sam at Piolo ay nagpasalamat at bumati na ang dalawang aktor kay Pia. Bumeso si PJ sa beauty queen at inilapit naman nito ang pisngi, pero nu’ng bebeso na si Samuel ay yumakap pa ang dalaga kaya hiyawan na naman ang lahat kaya nagkatawanan ang dalawa.

At para sa mga hindi nakapanood ng homecoming tribute ni Pia ay mapapanood ito bukas sa Sundays Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Si kuya Boy Abunda ang nag-facilitate sa question and answer kay Pia at isa sa natanong ay kung sino ang mas type niya between Piolo and Sam. Pinili ni Miss Universe si Sam kaya hiyawan na naman ang audience. Maging ang mga supporter ng aktor ay panay ang posts sa social media ng mga nakakakilig na eksena nila ni Pia.

Anyway, sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang magkakilala sina Sam at Pia pero dedma lang ang binata noon kay Pia dahil may girlfriend pa siya ng mga panahong iyon.

Ngayong very vocal na si Pia sa feelings niya, posibleng yayain na siya ni Sam na magkape sa kanyang Third District Coffee shop since pareho naman silang coffee lover.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending