John Lloyd, Bea nahuling nagsusubuan; relasyon buking na raw ng mga kaibigan | Bandera

John Lloyd, Bea nahuling nagsusubuan; relasyon buking na raw ng mga kaibigan

Alex Brosas |January 20,2016
facebook
share this

John Lloyd, Bea nahuling nagsusubuan; relasyon buking na raw ng mga kaibigan

Alex Brosas - January 20, 2016 - 02:00 AM

bea alonzo

NATARANTA pala ang kampo ni John Lloyd Cruz nang kumalat ang chikang hiwalay na sila ni Angelica Panganiban at magdyowa na raw sila ni Bea Alonzo.

Mas lalo silang naloka when reports said that TV5’s MJ Marfori was the one who confirmed the rumors as reported by Mo Twister on his Twitter account.

But MJ claimed she was misquoted. Naloka rin siya dahil siya ang itinuturong may pakana ng paglabas ng rumor. Ang chika, nagpatawag daw ng meeting ang kampo ni John Lloyd dahil sa paglabas ng tsismis.

Naalarma yata ang kampo ng actor dahil nagpaplano pa lang daw sila ng paraan kung paano isasapubliko ang kanilang hiwalayan ay naunahan na kaagad sila ng media. Well, ang latest chika, nakita raw nagsusubuan ng pagkain sina Bea at John Lloyd sa isang dinner.

Open secret na naman daw sa friends nila ang kanilang relasyon at tanggap na tanggap na nila ito.
Any comment, John Lloyd? Siguro dapat magsalita na sila ni Bea Alonzo pati na rin si Angelica Panganiban para maliwanagan na ang issue before it’s too late.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending