Vilma impakta, Xian impakto, Angel epal

By Ervin Santiago January 18,2016
share this

Vilma impakta, Xian impakto, Angel epal

By Ervin Santiago January 18,2016
share this

vilma santos

TRAILER pa lang ng pelikula nina Vilma Santos at Angel Locsin, ang latest offering ng Star Cinema na “Everything About Her” ay marami nang naaliw, first time raw nilang mapapanood ang Star For All Seasons sa isang kakaibang role.

Kahit kami ay tawa na nang tawa nang mapanood namin ang mga nakakalokang eksena nina Ate Vi at Angel sa nasabing movie, lalo na doon sa pagsuka ng actress-politician sa kanyang branded bag.

Kahapon ginanap ang grand presscon ng “Everything About Her” at pak na pak sa press ang ipinalabas na trailer nito. Ibang-ibang Ate Vi ang nasaksihan namin sa kanyang mga eksena sa teaser kaya nag-promise kami na panonoorin namin ito.

Refreshing ang mga ganitong klase ng proyekto para kay Ate Vi pati na rin kay Angel, swak na swak kasi sa kanila ang mga ginagampanan nilang karakter sa movie na idinirek ni Bb. Joyce Bernal.

Parang nakikita namin sa kanila ang mga Hollywood superstars na sina Meryl Streep at Anne Hathaway sa pelikulang “Devil Wears Prada” kung saan ganito rin halos ang tema ng kuwento – isang terror na boss at isang sunud-sunuran na empleyado slash alalay slash shock absorber.

Tulad ng pagkaka-describe ni direk Joyce sa karakter ni Ate Vi sa movie, agree ang aktres na super impakta at napakasama talaga ng ugali niya sa kuwento na isang CEO ng company na may anak na architect played by Xian Lim at personal nurse na ginagampanan nga ni Angel.

Sabi nga ni Direk Joyce sa tatlong bida sa pelikula niya sa ginagampanan nilang role sa movie, “Si Ate Vi impakta, si Angel epal, si Xian impakto.”

Wala rin daw reklamo si Ate Vi sa lahat ng eksenang ipinagawa sa kanya ni Direk Joyce, “Wala talaga. One time tinanong niya ako, ‘Sasabihin ko ba talaga ito Direk, put****g ina?’ Oo sabihin niyo po iyan.

Tapos sabi niya, ‘Puwede bang hindi ko sabihin dito at doon ko sasabihin sa ganitong eksena kung saan mas galit siya?’ Sabi ko hindi, mas-okay na dito kung ‘yung wala lang.”

“Masyadong masunurin si Ate Vi. Kung minsan nga gusto kong makipag-away. Hindi siya nakikipag-aaway. Parang ‘yun lang, ‘yun lang siguro ‘yung hinahanap ko, ‘yung sana makipagaway siya. Sana awayin niya ako, parang ganon,” sabi pa ni direk sa isang panayam.

Pinag-aralan talagang mabuti ni Ate Vi ang kanyang first “impakta” role bilang si Vivian, ang tanging motivation lang sa kanya ng direktor ay ang dialogue na, “Wag kang magsasalita kasi kakainin kita ng buhay!”

At dahil nga malapit na sa isa’t isa sina Angel at Ate Vi, hindi raw sila pinag-uusap ni direk sa shooting, “Para wala masyadong bonding kasi ‘yun ‘yung bini-build ng pelikula eh, na ngayon ka palang mag-start magkaroon ng relationship.

So, walang masyadong bonding. Para makita sa mga eksena na hindi sila magkakakilala, you don’t like each other, ganu’n.”

Simulan ang taong 2016 sa panonood ng “Everything About Her” at alamin kung ano ba talaga ang tunay na mahalaga sa mundong ito, kung ito ba ay katanyagan, tagumpay, kapangyarihan o ang pag-aaruga sa mga taong minamahal natin? Saksihan ang paglalakbay nina Vivian, Jaica (Angel) at Albert (Xian) upang maalala ang lahat tungkol sa mga mahal natin sa buhay bago mahuli ang lahat.

Showing na ang “Everything About Her” sa Jan. 27 nationwide under Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending