Kalyeserye ng Eat Bulaga tinalo ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime | Bandera

Kalyeserye ng Eat Bulaga tinalo ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime

Jobert Sucaldito |January 18,2016
facebook
share this

Kalyeserye ng Eat Bulaga tinalo ng Tawag ng Tanghalan sa Showtime

Jobert Sucaldito - January 18, 2016 - 02:00 AM

showtime cast

NAKAKALOKA ang number game ngayon sa rating board.  Hindi kami makapaniwalang nakabalik na sa mahigpit na labanan ang It’s Showtime ng ABS-CBN against its rival show na Eat Bulaga sa GMA 7. Biglang-taas uli ng rating ng Showtime these past days.

Noon kasi ay tumatabla-tabla lang ang dalawang noontime shows na ito pero nang pumasok ang AlDub na hindi natin maitatangging naging phenomenal talaga ay naiwan sa kangkungan ang It’s Showtime.

Yes, talagang nag-suffer ang Showtime dahil humataw sa napakataas na rating ng EB. Milya talaga ang naging agwat nila. Pero hindi sumuko ang noontime show ng Dos – bagkus, they took the challenge na lalong pagandahin ang ilang segments ng kanilang program – nagpasok sila ng nagguguwapuhang Hashtag Boys na sobrang kinakikiligan ng young crowd ngayon and “Tawag Ng Tanghalan” that captured the hearts of millions of viewers.

Biglang-taas daw uli ang rating ng Showtime dahil sa pagbabalik ng talent search na Tawag Ng Tanghalan na talaga namang magagaling ang sumasali, wala kang itulak-kabigin sa mga contestants.

Ang Eat Bulaga naman tried to sustain the AlDub fever pero nanamlay din in the end. Nagsawa at halos nandidiri na ang audience sa pabebe wave nina Alden Richards and Maine Mendoza – hindi na umubra ang pagngiwi-ngiwi ni Yaya Dub.

Nakakaumay na kasi kaya sukang-suka na ang mga tao sa style ng dalawa. Plus the fact na hindi na napagkikita madalas si Alden sa kanilang show dahil madalas itong out of town or out of the country for some commitments. In fact, na-suspend daw for a while si Alden sa EB pero nang ibalik nila ito ay wala na siyang gaanong init sa public.

Nabawasan na rin ang kayabangan ng AlDub fans, kasi nga wala namang maipakitang brilliance ang dalawa nilang idols. Si Alden cannot even reach the high notes ng kaniyang mga kanta kaya pinagtatawanan daw ito ng maraming music-minded fans sa audience.

Na-turn off daw sila dahil hindi pala totoong singer si Alden. Ha-hahaha! The nerve daw na ikumpara sila sa Guy & Pip eh, hindi naman pala marunong kumanta. “And palaging antok si Alden pag nagre-report sa Eat Bulaga. Kasi nga sobrang pagod sa kararaket, halos wala nang tulog.

Kahit sa make-up room, nilalagyan pa lang ng concealer tulog na. Ginigising na lang daw siya pag sasalang na siya. Um-OA sa pagtanggap ng kaliwa’t kanang raket ang GMA Artist Center for Alden without realizing na hindi ito nakakabuti na sa kanilang ward.

“Kaya hayan, pinagsawaan bigla ng audience. Balita namin, nagbabalak pa silang bigyan ito ng solo teleserye, doon sila magigising niyan pag hindi na nag-rate si Alden kasi nga overexposed na siya. Wala na rin kasing bago sa Eat Bulaga.

Yung kalyeserye nila ay pinagsawaan na. Pilit lang nilang inii-stretch. “Mula nang magsalita na si Yaya Dub hanggang sa nahalata ng audience na binobola lang sila to the max dahil sa totoong buhay naman ay wala naman talaga silang gusto sa isa’t isa pero pilit na nili-link, ayan tuloy, semplang sila.

“Hindi man lang nagtagal ng isang taon ang init ng kanilang tandem. Sayang lang kasi naging phenomenal naman talaga sila sa start pero hindi lang na-sustain. At ang yayabang ng AlDub nation nila. O, ano kayo ngayon?” talak ng isang kapitbahay namin.

Ayoko nang mag-comment further. Basta ang maliwanag ngayon ay naungusan na ulit ng It’s Showtime ang Eat Bulaga. Basta ang gusto ko lang iparating na mensahe sa mga ilang AlDub fans na ito na uubod ng yabang, huwag masyadong matayog ang lipad dahil hindi habambuhay nasa itaas ang mga idolo ninyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dapat ay maging humble at pag pinupuna ang mga idols ninyo, huwag kayong mang-curse. Ayan tuloy, hindi tumagal ang init ng tambalan nila. Sayang. Kayo ang mismong sumisira sa idols ninyo. Matutong magpakumbaba para laging i-bless ni Lord.

Para naman sa Showtime, kung magtutuluy-tuloy ang positive vibes sa paligid ng programa at walang magiging problema sa mga host nito, tiyak na hindi na mapipigilan ang kanilang pag-arangkada sa rating.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending