Igan ibubuking ang mga lihim ni Ate Guy; magaling ding komedyante | Bandera

Igan ibubuking ang mga lihim ni Ate Guy; magaling ding komedyante

Ervin Santiago |January 03,2016
facebook
share this

Igan ibubuking ang mga lihim ni Ate Guy; magaling ding komedyante

Ervin Santiago - January 03, 2016 - 02:00 AM

nora aunor

Isang napaka espesyal na bisita ang makikisaya sa Tonight with Arnold Clavio ngayong unang Miyerkules ng 2016. Ang Superstar Nora Aunor lang naman ang buena manong panauhin ni Arnold “Igan” Clavio ngayong Enero 6.

Kakaibang Nora Aunor nga raw ang mapapanuod sa programang ito ni Igan. Matatandaang opisyal na naging Kapuso ang Superstar bago matapos ang 2015 nang naging bahagi ito ng primetime drama series na Little Nanay kung saan ginagampanan n’ya ang groovy lola na si Lola Annie.

Hindi nga dapat palampasin ang interview na ito dahil ibabahagi ni Nora ang mga kwento sa likod ng naturang drama series. Ipapakita rin ng Superstar ang kanyang pagpapatawa at pagiging kuwela sa naturang guesting.

Ibubuko rin ni Igan ang ilang mga impormasyong hindi alam ng nakararami tungkol sa kanya.
Matutuklasan din natin ang ibang “trip” ng Superstar at kung sinu-sino sa mga katulad n’yang celebrity ang nanaiisin niyang maging “friend” kung siya ay magkakaroon ng Facebook account.

Abangan ang unang pasabog na ito sa 2016 ng Tonight With Arnold Clavio ngayong Enero 6, sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending