Kilalang aktres sa karinderya na lang pinapakain ang mga anak | Bandera

Kilalang aktres sa karinderya na lang pinapakain ang mga anak

Cristy Fermin |December 01,2015
facebook
share this

Kilalang aktres sa karinderya na lang pinapakain ang mga anak

Cristy Fermin - December 01, 2015 - 12:30 PM

SUMASALUDO, pero kasabay nu’n ang pagkalungkot ng isang source, nang makita nito ang isang kilala at magandang aktres kasama ang kanyang mga anak.
Sa isang subdivision pa rin nakatira ang aktres, pero luma na ang kanyang bahay, mukhang napabayaan na sa paglipas ng mga taon.
Nakita ng aming impormante ang mag-iina sa isang maliit na kainan sa malawak na subdivision, simpleng-simple lang ang kanilang pagsasalo, dalawang ulam at kanin lang ang kanilang pinaghahatian at ni wala pa nga silang inorder na softdrinks.
Kuwento ng aming source, “Ang saya-saya ko, dahil nakita ko rin sa wakas ang female personality na matagal ko nang hinahangaan. Paborito ko siya, pinanood ko ang halos lahat ng mga pelikula niya mula nu’ng teenager pa lang siya.
“Naalala ko, nag-shooting pa nga sila nu’n sa place namin, isa ako sa mga usisero, gustung-gusto ko nga kasi siya. Mabait siya sa mga fans, bago nga siya umalis sa shooting, nagpapa-kiss pa siya sa mga fans,” pag-alala ng aming source.
Parang sanay na sa mag-iina ang mga tagaroon, wala nang pumapansin sa kanila, mga napapadaan na lang du’n para kumain ang nag-aabalang mang-usyoso sa mag-iina.
Patuloy ng aming source, “Wala namang masama du’n, nagbabayad naman sila, saka hindi mo iisiping naghihirap na si ____ (pangalan ng maganda pa ring aktres) dahil masaya sila habang kumakain at sa totoo lang, magaganda silang mag-iina.
“Kaya lang, nakakalungkot dahil parang wala siyang naipon sa haba ng panahong trabaho lang siya nang trabaho, di ba? Pero kahanga-hanga siya, kasi nga, turo-turo lang ang kinakainan nila ng mga anak niya, pero hindi siya nahihiyang makita du’n ng mga tao,” humahangang pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending