Kris nasoplak ni James Yap pero hindi pa rin nagpatalbog; tinalakan ng propesor | Bandera

Kris nasoplak ni James Yap pero hindi pa rin nagpatalbog; tinalakan ng propesor

Cristy Fermin |December 01,2015
facebook
share this

Kris nasoplak ni James Yap pero hindi pa rin nagpatalbog; tinalakan ng propesor

Cristy Fermin - December 01, 2015 - 03:00 AM

KRIS AQUINO AT JAMES YAP

KRIS AQUINO AT JAMES YAP

DAHIL sa pagpapakita ni James Yap ng kanyang sagot sa text ni Kris Aquino tungkol sa first communion ni Bimby ay pinagtatawanan ngayon ng ating mga kababayan ang aktres-TV host.

Nasoplak daw siya nang todo-todo ni James, sinagot naman pala siya, pero kung anu-ano nang akusasyon ang ibinato niya laban sa ama ng kanyang anak.

OA daw ang reaksiyon ni Kris sa sinasabi niyang pangdededma ng basketbolista sa kanyang imbitasyong dumalo ito sa pagko-communion ni Bimby.

“Ang ikinakatwiran niya ngayon, e, hindi raw pumasok sa phone niya ang text message ni James? High-end ang ginagamit niyang phone, naka-roaming din siya, napaka-techie pa niya, kaya paanong hindi pumasok sa kanya ang text message ni James?

“Ito talagang si Kris, kapag nabubuking na sa kaartehan niya, e, parang balewala lang! Pa-victim talaga ang drama niya!” naiinis na komento ng kaibigan naming propesor.

Reaksiyon naman ng mga netizens, para maiwasan ni Kris ang ganyang kahihiyan ay tumawag na lang kasi siya sa tatay ng anak niya, bakit daw kasi idinaan lang niya ‘yun sa pa-text-text?

Sabi uli ni prop, “Huwag namang ikatwiran ni Kris na nagtitipid siya sa phone bill niya. Siya pa, na oras ang binibilang sa pakikipagkuwentuhan sa phone?

“Ang sisisihin pa niya ngayon, e, technical problem, helllloooo!!!!” madiin pang reaksiyon ng propesor na nakabantay sa bawat kilos ni Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending