Horoscope, November 29, 2015 | Bandera

Horoscope, November 29, 2015

Madam Sophia |November 29,2015
facebook
share this

Horoscope, November 29, 2015

Madam Sophia - November 29, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang pinaka-masuwerte araw at ngayon mo na dapat simulan ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay. Sa pinansiyal, kusa ng lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, isang Aries ang tuluyang mahuhumaling sa iyo. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Malapit na ang suweldo at ang bonus at 13th month pay. Ano ang gagawin mo sa pera? Umpisahan nang magpayaman! Mag-invest sa trust fund, paglipas ng 5 years mayaman ka na. Oo, sapagkat ina-attract ng salapi ang kapwa niya salapi. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Huwag maniwala sa mga pamahiin. Kailangang maging praktikal upang yumaman. Sa pag-ibig, may lihim na pagnanasa sa iyo ang isang katabi na nakasuot ng green. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas din.
Gemini – (May 21-June 21) – Magniningning ang araw na ito habang nakasuot ng silver na singsing. Alahas na silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, ang silver na alahas kung laging susuutin ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Water ang elemento ng Cancer. May babala ng karamdaman, upang masawata ang anumang sakit, kumain lagi ng pagkaing nakukuha sa tubigan. Ang mga pagkaing galing sa tubig, at matubig ang magpapalusog at magpapahaba ng iyong buhay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Avayara-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Ganyan talaga sa unang bukas ng negosyo, lugi muna sa simula! Pagnagtagal-tagal kung pipiliin mong tindera at tauhan ay may birth date 5, 14 at 23, kikita ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig, upang yumaman, pumili ng asawa na may birth date na 5, 14 at 23. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Om” Bukod sa white at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Bago simulan ang anumang trabaho, humigop ng mainit na kape, sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Ilibre ang kasuyo sa isang mamahaling coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong katawan. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Tumawa ng tumawa upang mabigong lahat ang iyong mga kakumpetensya. Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung kikilitiin muna ang kasuyo bago ang aktuwal na romansa. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Red at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Unti-unti mo ng natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili sa mamahaling restaurant. Sa pag-ibig, tanggapin ang inaalok na pagsuyo ng isang Cancer sa kanya ka liligaya. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Sarva-Dustha-Om.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Kahit mayaman, malungkot ang buhay, walang dapat gawin kundi ipamigay ang lahat ang iyong mga pag-aari at kayamaman. Sa pamamagitan ng dedikasyon sa mga pang-charitable na gawain mas matatagpuan ang inner happiness at true peace of mind. Sa pag-ibig, wala sa ka-oppsite sex ang hinahanap na ligaya, kundi na kay Lord. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Hindi tamang diskarte ang pandaraya upang yumaman, sa halip, ituloy at dagdagdan pa ang mga pagsisikap. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Mag-ipon ng maraming pera upang sumaya ang pamilya! Tama ang matagal mo nang iniisip, “kayang-kaya ring bilhin ng salapi ang pag-ibig at wagas na ligaya!” Mapalad ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Am-Kurvan-Adhenan-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – May isang kaibigang darating na may mabigat na problema. Magtago ka – siya ang BFF na hindi marunong magbayad ng utang. Wag ipahiram ang salapi na ibinibigay ng kasuyo para iyan sa inyong pamilya at para iyan sa panghanda sa nalalapit na Kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending