Matatanggap ba sa Call Center? | Bandera

Matatanggap ba sa Call Center?

Joseph Greenfield |November 25,2015
facebook
share this

Matatanggap ba sa Call Center?

Joseph Greenfield - November 25, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula  kay Florabelle ng Tikay,  Malolos City, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Two years na po akong graduate ng education pero kaso ay hindi ako nakapasa sa board exam kaya wala akong makuhang regular na trabaho. Sa ngayon ay nagpasya akong mag-aplay na lang sa call center dahil may kaibigan akong nagtatrabaho roon at maganda naman daw ang suweldo. Ang itatanong ko lang ay kung matatanggap kaya ako at kapag nandoon na kaya ako, magiging maganda naman kaya ang buhay ko? O mas magandang ituloy ko na lang ang aking pagre-review uli baka makapasa na ako at kapag nakapasa na ako sa board exam ay mag aaplay ako sa public school? Saang larangan po ba ako hi-git na uunlad at aasenso, sa call center o sa pagtuturo? Siya nga po pala, balak ko ring mag-abroad, may pag-asa din kaya akong makapangibang bansa? December 14, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Florabelle ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at malinaw ang tinatahak ng Career Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa edad mong 24 ay biglang magbabago ang takbo ng i-yong buhay. Kung dati ay hindi ka matanggap-tanggap sa trabaho, sa pagpasok ng buwan ng Disyembre sa taon ding ito ng 2015 ay matatanggap ka na sa call center. Paglipas pa ng mga dalawang taon pa, matutupad din ang Travel Line (1-1 arrow 1.) sa iyong palad, may pangingibang-bansa itatala sa iyong kapalaran, sa edad mong 25 pataas.

Cartomancy:
Queen of Diamonds, Five of Diamonds at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, tulad ng i-naasahan, sa isang kumpanya na may kaugnayan sa call center, mapapasok ka na, magkakaroon ng mala-king suweldo hanggang sa tuluyang ma-regular at sa nasabing kumpanya tuloy-tuloy ka na ring aasenso.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending