Wala akong intensiyong ilagay sa alanganin si Alma! – Karen Davila | Bandera

Wala akong intensiyong ilagay sa alanganin si Alma! – Karen Davila

Jobert Sucaldito - November 18, 2015 - 09:00 AM

alma moreno

MIXED emotions ang naramdaman namin as we watched Ms. Karen Davila’s interview with senatoriable Alma Moreno a few days ago sa programang Headstart ng ANC.

Hindi naman maipagkakailang medyo hirap talaga si Ms. Moreno sa pagsasalita at pag-intindi ng malalimang Ingles – never namang nag-pretend si Alma to be intelligent kaya handa ang kalooban naming magkakaroon talaga ng konting hitch sakaling dumiretso sa Inglesan ang interbyung iyon.

Oh my goodness! Hindi nga kami nagkamali dahil since the ANC show is really English-run, nang ikutan na ni Ms. Karen ng ilang English questions si Alma, naramdaman na naming nangangapa ang kaibigan na-ting aktres-pulitiko na halatang hindi masyadong naunawaan ni Ms. Alma – oh no! I was praying na huwag malagay sa kahihiyan ang kaibigan nating aktres.

In fairness naman to her, kahit alam nating super-alanganin ang naging katayuan niya with those questions, nakakonek pa rin siya kahit paano though sobrang babaw nga lang ng da-ting.

And eventually ay nakaramdam din siguro si kafatid na Karen ng konting pag-aalangan kay Ness kaya siya na mismo ang medyo umalalay dito towards the end of their conversation.

“You saw me naman kung paano ko inalalayan si Alma. Hindi ko na ipinagpilitan pa ang mga gusto ko pang itanong. I didn’t have intentions na ilagay siya sa ala-nganin, ganoon lang talaga tumatakbo ang interbyuhan namin sa Headstart,” ani Ms. Karen nang magkasalubong kami sa lobby ng ABS-CBN.

Nag-trending to its highest level sa social media ang interbyuhang Karen and Alma. As usual, ginawa na namang katatawanan ng mga kababayan natin si Ness. Ki-nutya na naman siya ng mga nagmamatali-matalinuhan.

“Bakit kasi siya nagpainterbyu sa Headstart eh, talagang Inglesan doon? Ang boba naman niya para mag-ambisyong mainterbyu sa ganoong klaseng show. Tsaka ang lakas ng loob niyang tumakbo sa pagka-senador eh, wala naman pala siyang alam sa national issues,” ang isang mabigat na comment ng isang netizen.

Ang sakit namang magsalita nito, calling Alma boba and ambi-syosa. Anong sinasabi niyang walang alam sa public service si Alma? In fairness to this lady, she has been a First Lady of Parañaque for nine years and has been elected as President of the Councilors League of the Philippines for six years. Hindi porke hindi magaling magsalita ng Ingles ay boba na.

Hindi lang siya kasing-blessed ng iba na nakapag-college, she never had the opportunity na makapag-aral sa maayos na paaralan dala ng maraming dahilan. Bata pa lang nang mag-artista si Alma dahil sa kahirapan ng buhay.

Pero hindi naman niya sinayang ang pagkakataon to make a name for herself and save money for her family.  Mahirap kaya ang ma-ging breadwinner. And when she got the chance to enter politics ay pinagbutihan naman niya, and mind you, hindi ka naman puwedeng ma-elect as secretary-general at president ng Councilors League of the Philippines kung alam ng mga kasamahan mong wala kang leadership traits.

She may be poor in understanding and speaking the English language but she has always been very sincere as a public servant in her own little way. Pero para tawaging boba and ambisyosa, foul na yan.

Personally we can attest for Alma’s character. Mabuting tao iyan, maganda ang puso and very generous indeed! Wala namang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay may mga kakulangan and Alma is no exemption to that.

Mabuti nga si Alma dahil for once in her life, she became very famous dala ng kaniyang taglay na kagandahan at seksing katawan du-ring her younger years. Those are her gifts para makapasok sa showbiz at siya lang ang tanging bituing nakapasok sa liga ng kasikatan nina Nora Aunor and Vilma Santos.

Kayo ba ay umabot sa naging katanyagan niya? Kung makapanlait kayo wagas. Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral si Alma eh hindi ibig sabihin ay wala na siyang kara-patang maglingkod. Napakarami nga riyan, merong 5 docto-rate and 150 masters to their names pero may nagagawa ba sila sa bayan?

Magagaling silang magsalita ng Ingles, pero nganga naman. Ninanakaw lang nila ang laman ng kabang-bayan natin. Mamili kayo, doon sa napakahusay mag-Ingles pero hayop naman kung makapagnakaw o sa isang Alma Moreno na medyo may kahinaan lang sa aspetong ito pero nagtatrabaho naman nang matino.

You know what, the more na pinagtatawanan si Alma Moreno ng ilan, ay mas dumarami naman ang nakikisimpatya sa kanya. Mas lalo siyang minamahal ng publiko kasi nga nagpakatotoo lang siya. And for all you know, this might just be translated to votes. Kami? We are rooting for her.

One classic example of the very good English-speaking politician is P-Noy. Napanood niyo ba ang speech niya sa APEC opening? Mahaba ang speech at flawless ang pagsasalita niya in straight English.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang nilalaman ng kaniyang talumpati ay paninisi na naman sa nakaraang pamahalaan at pagbubuhat ng kaniyang angkan as the best leaders of the country. Memorized niya ang speech pero wala kang maramdamang sincerity.

Wake up! Be kinder to others. Huwag masyadong mapang-api at mapanghusga, for all you know, ang mga tulad ni Alma na kapos sa pormal na edukasyon ang siya pang makakapagpaangat sa ating buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending