Barangay Ginebra Kings, Meralco Bolts magtutuos sa Biñan | Bandera

Barangay Ginebra Kings, Meralco Bolts magtutuos sa Biñan

Melvin Sarangay - , November 17, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Alonte Sports Center, Biñan, Laguna)
4:15 p..m. Barako Bull vs Mahindra
7 p.m. Barangay Ginebra vs Meralco
Team Standings: San Miguel Beer (4-1); Globalport (3-1); Alaska (3-1); Rain or Shine (3-1); Talk ‘N Text (3-1); Barako Bull (2-2); NLEX (2-2); Star (2-3); Brgy. Ginebra (1-3); Blackwater (1-3); Mahindra (1-3); Meralco (0-4)

MAKAKUHA ng panalo ang pakay ngayon ng Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts sa paghaharap nila sa kanilang 2015-16 Smart Bro PBA Philippine Cup elimination round out-of-town game sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Magsasalpukan sa ganap na alas-7 ng gabi na main game ang Gin Kings at Bolts na parehong hangad na makaiwas na mahulog sa ilalim ng team standings.

Bagamat taglay ang ilang star players at isang champion coach, ang Gin Kings ay halos nangungulelat na rin sa hawak na 1-3 kartada.

Bagamat binago ang kanilang lineup at may grand slam-winning bench tactician sa katauhan ni Norman Black, ang Bolts ay hindi pa nakakatikim ng panalo sa apat na laro ngayong kumperensiya.

At siguradong magpupursige ang Gin Kings at Bolts na makahablot ng panalo sa paghaharap nila ngayong gabi dahil pareho silang manggagaling sa pagkatalo nitong Linggo sa mga larong ginanap sa Philsports Arena.

“We’ve just gonna get better from here,” sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone matapos na makatikim ang Gin Kings ng nakakahiyang 100-82 pagkatalo sa kamay ng San Miguel Beermen.

Sinayang naman ng Bolts ang ginawang 40 puntos ni Gary David matapos makalasap ng 108-106 kabiguan mula sa Barako Bull Energy.

Sa unang laro sa dakong alas-4:15 ng hapon, pipilitin naman ng Mahindra Enforcers na masundan ang naitalang panalo sa pagsagupa nila sa Barako Bull.

Ang Energy at Enforcers ay parehong puntirya ang ikalawang sunod na panalo.

Ang Mahindra ay magmumula sa nakakagulat na 103-93 pagwawagi laban sa NLEX Road Warriors noong Biyernes kung saan ang balanseng atake ang naging daan para makontrol nila agad ang laro sa pagsisimula ng unang yugto tungo sa pagtala ng malaking kalamangan sa laban.

Si Chito Victolero, na siyang tumatawag ng plays ng Enforcers kapalit ni playing-coach Manny Pacquiao, ay hindi naman nagkukumpiyansa sa laro nila laban sa Energy.

“Crucial and character game for us. We need to double our efforts because Barako is playing great. Ang hirap sa Barako, lahat ng players nila nagko-contribute so we need to focus on the whole team,” sabi ni Victolero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At tiyak na sasandalan muli ng Mahindra ang mahusay na paglalarong ipinakita ng mga bench players nito sa pagtutuos nila ng Barako Bull na nagpakita ng katatagan sa laro nang nagawa nilang mapigilan ang tangkang pagbangon ng Meralco noong Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending