Flor de Liza stars magsasabog ng magic sa Wansapanataym | Bandera

Flor de Liza stars magsasabog ng magic sa Wansapanataym

Ervin Santiago |November 15,2015
facebook
share this

Flor de Liza stars magsasabog ng magic sa Wansapanataym

Ervin Santiago - November 15, 2015 - 02:00 AM

ashley
BIBIDA sina Rhed Bustamante at Ashley Sarmiento, ang child stars ng hit teleseryeng Flor de Liza,” a pagpapatuloy ng ika-15 na taong selebrasyon ng mahika at mga kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Lara Burara ngayong Linggo.

Mabilis magsawa sa mga laruan ang batang si Lara (Ashley). Nang makabili ito ng isang manyika na sana’y bibilhin din ni Pinpin (Rhed), ang anak ng kanilang labandera, agad naman din niya itong pinagsawaan at ipinagsawalang-bahala.

Ngunit ang hindi alam ni Lara ay may dala palang hiwaga ang manyika. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Lara kung malaman niya na mayroong sumpa ang manyika? Makaligtas kaya siya mula sa sumpa? Paano kaya siya matutulungan ni Pinpin?

Kasama rin sa Wansapanataym Presents: Lara Burara sina Agot Isidro, Dominic Ochoa, Tart Carlos at Gee Canlas. Ito’y sa direksyon ni Francis Xavier Pasion. Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Lara Burara ngayong gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending