Jessy saludo sa katapangan ng ina: Talagang nakikipag-away siya sa bashers! | Bandera

Jessy saludo sa katapangan ng ina: Talagang nakikipag-away siya sa bashers!

Ervin Santiago |November 09,2015
facebook
share this

Jessy saludo sa katapangan ng ina: Talagang nakikipag-away siya sa bashers!

Ervin Santiago - November 09, 2015 - 02:00 AM

jessy mendiola

BILIB na bilib si Jessy Mendiola sa katapangan ng kanyang ina. Mas lalo niya raw itong hinangaan matapos itong makipagsagutan sa kanyang bashers na wala nang ginawa kundi ang akusahan siya ng kung anu-ano.

Ayon kay Jessy, mas napatunayan niya ngayon ang matinding pagmamahal sa kanya ng inang si Didith Garvida na handang gawin ang lahat maipagtanggol lang siya sa mga taong nang-aapi sa kanya, lalo na noong pumutok ang tsismis na buntis daw siya at ang iskandalo sa loob ng eroplano kung saan involved din sina Enrique Gil at Liza Sobe-rano.

“Ibang klase yung ginawa ng nanay ko. Talagang nakikipag-away pa siya sa bashers. I just love you so much mom and I wanna thank you for everything.”

Sa interview naman sa kanya kamakailan ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Jessy na kung sobrang affected ng nanay niya sa buntis issue, siya ay dedma lang talaga. Pinagtawanan lang daw niya ito.

“I don’t really care. It’s not true so why should I care I mean there’s a lot of rumors going around about me why should I care if it’s not true.

“Sometimes I have to admit I get affected by bashing and all the haters but do they really get something out of it?” dagdag pa ni Jessy. Ang prinsipyo raw kasi ng dalaga pagdating sa mga tsismis ay huwag nang pumatol kung hindi naman totoo.

“I’m real, I know what happened, I know what I’m going through and I’m happy because I know what’s the truth. I have to protect a lot of people not only myself so it’s better not to talk about it,” anang dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending