AWOL na pulis, kasabwat patay sa buy-bust | Bandera

AWOL na pulis, kasabwat patay sa buy-bust

John Roson |October 09,2015
facebook
share this

AWOL na pulis, kasabwat patay sa buy-bust

John Roson - October 09, 2015 - 05:39 PM

bulacan
Patay ang isang nag-AWOL na pulis at kanyang kasabwat nang makipagbarilan sa mga alagad ng batas na dadakip sana sa kanila sa isang buy-bust operation sa San Rafael, Bulacan ngayong araw.

Nakilala ang isa sa mga napatay bilang si PO1 Edison Liwag, dating nakatalaga sa Provincial Public Safety Company bago nag-AWOL o liban na walang paalam, sabi ni Senior Supt. Ferdinand Divina, direktor ng Bulacan provincial police.

Naganap ang insidente sa Brgy. Tucod dakong alas-12:15 ng tanghali.

Nagsasagawa noon ang mga elemento San Rafael Police ng buy-bust operation laban kay Liwag, na isa umanong notoryus na drug pusher sa barangay, sabi ni Divina sa isang text message.

Pero nauwi ang eksena sa barilan, kung saan napatay si Liwag at ang kanyang di pa kilalang kasabwat, ani Divina.

Nahuli naman sa akto ng pagbebenta ng droga ang umano’y live-in partner ni Liwag kaya dinampot ng mga operatiba.

Nasamsam sa pinangyarihan ang isang kalibre-.9mm pistola, kalibre-.38 baril, at mga sachet na may hinihinalang shabu. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending