Horoscope, October 07, 2015 | Bandera

Horoscope, October 07, 2015

Madam Sophia |October 07,2015
facebook
share this

Horoscope, October 07, 2015

Madam Sophia - October 07, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Dagdag na pagpapakabanal ang dapat. Sa tahimik na bahay dalanginan, mas lilinaw ang isipan kung paano madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, kapag payapa ang puso at damdamin kusang darating ang masarap na pag-ibig. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Wag maging barumbado at mataray. Sa pinansyal, alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung lagi kang galit at mainit ang ulo, lalo kang papangit. Mapalad ang 6, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your heart is aching.” Pink at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ganyan talaga ang buhay, may nagkakasakit! Ang salaping nawala ngayon ay maibabalik din sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, sa panahong may karamdaman ay lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalada ng 4, 15, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa nang mag-invest. Sa pag-ibig, pahalagahan ang araw na ito, sa iyong pagdating pasalubungan ng matamis na halik ang minamahal. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina.” Silver at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansiyal, hindi awa ang dapat kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, pag mayaman ka na mas madali mo nang makakamit ang kaligayahan. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag katamaran ang kasalukuyang ginagawa – diyan ka kumikita ng salapi. Ituloy ang kasalukuyang hanapbuhay, darating ang araw ay aangat din ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyong mukhang mapera. Mapalad ang 1, 19, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Yellow at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, upang hindi mapahamak, tigilan na ang pakikipagrelasyon sa isang Leo. Sa pinansyal, kapag naging tapat sa iyong pamilya saka ka pa lang yayaman. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Red at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal, ibat-ibang kulay ng bulaklaking halaman ang magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte. Sa pag-ibig, akitin ang minamahal sa pamamagitan ng tatlong pulang rosas. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Ipapahamak ka lang nila. Sa mga mababait at walang kibong mga nilalang ka makipag-transaksyon. Sa pag-ibig, piliin ang isang taong cute at tahimik. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Apoy ang mapalad mong elemento. Magbenta ng kandila sa nalalapit na Araw ng mga Patay, malaking halaga ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap at mainit na pakikipag-relasyon sa isang Gemini. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation at pagninilay. Mapalad ang 1, 10, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Gold at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Alam mo kung bakit magulo ang isip mo? Lagi mo kasing ginagawa ang gusto mo. Subukan mong gawin ang ipinapagawa sa iyo ng mahal mo sa buhay. Makikita mo, higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ng 4, 10, 19, 33, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Verbana-Hastata-Verbana.” Yellow at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tanging ikaw ang makapagpapabago ng sariling kapalaran. Itakda at isulat sa malinis na papel ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, tumuklas ng ibang paraan sa romansa upang hindi mabato at manlamig ang karelasyon. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Green at black ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending