Allan K may mga pasabog tungkol sa AlDub | Bandera

Allan K may mga pasabog tungkol sa AlDub

Ervin Santiago |October 07,2015
facebook
share this

Allan K may mga pasabog tungkol sa AlDub

Ervin Santiago - October 07, 2015 - 02:00 AM

allan k

KUNG ang longest running noontime show na Eat Bulaga ay may Pambansang Bae na si Alden Richards, at meron ding Pambansang Boom-Bae na si Sam YG, ito namang panauhin sa Tonight With Arnold Clavio ngayong gabi na si Allan K, ang tinaguriang nag-iisang Pambansang Ilong!

Pero hindi man daw matangos ang kanyang ilong at hindi man siya mestiso o guwapo, naging puhunan ni Allan K ang kanyang itsura at napakalaking talento sa komedya at pagkanta para maging matagumpay sa buhay.

Mula sa isang payak na pamilya sa probinsya, nagsumikap si Allan bilang sing-along master sa Maynila. Dito na siya nakilala ng dabarkads mula sa Eat Bulaga at ika nga nila, “The rest is history.”

Pero teka, siya nga ba ang “promotor” ng tambalang AlDub, ang pinakamainit na loveteam ngayon na binubuo nina Alden Richards at Yaya Dub? Siya raw kasi ang unang nakahalatang tila naiilang si Yaya Dub kay Alden, kaya’t tinukso na niya ito sa kalagitnaan ng programa.

At ngayon nga, ang kanyang mga tili at tunay na kilig ang tila hinahanap-hanap ng ‘Aldub Nation’ sa tuwing magkakasama sa screen ang dalawa.

At dahil kapwa-Dabarkads, ilang eksklusibong impormasyon tungkol sa AlDub ang ibabahagi ni Allan, kaya’t abangan kung ano ang kanyang ikukuwento!

Ilang sorpresa rin ang inihanda ni Igan para kay Allan, mula mismo sa isa sa mga tinutulungan nito. Marahil lingid sa kaalaman ng ilan, isang mentor at discoverer si Allan ng bagong talento pagdating sa larangan ng stand-up comedy.

Kaya’t para kilalanin ang kanyang kabaitan, may dumalaw nang palihim kay Allan – abangan kung sino!
Panoorin ang bukingan, kantahan at masayang kwentuhan kasama si Allan K, nga-yong Miyerkules na sa Tonight With Arnold Clavio, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending