Sinuspindi na ng DZRH ang programa ni Mocha Uson sa radyo, ayon sa report na nataggap ng Phillipine Daily Inquirer. Isang ‘indefinite suspension’ ang kinumpirma ng isang DZRH personnel pagkatapos makatanggap ng reklamo sa mga listeners na masyado raw malisyoso ang mga kumento ni Mocha patungkol kay Leni Robredo. Kumalat sa social media ang live […]
SAN PEDRO CITY, Laguna —Dinakip ang isang ginang sa bayan ng Nasugbu,, Batangas na napatay umano ang kanyang bagong-silang na sanggol nang takpan niya ng unan ang mukha nito upang patigilin sa pag-iyak kamakalawa. Ayon kay Chief Insp. Rogelio Pineda Jr., hepe ng Nasugbu police, nasaksihan ng panganay na anak ni Agnes Villasquez, 26, ang […]
CEBU CITY—MATAPOS magpalipas ng dalawang gabi sa kulungan, makakauwi na ang suspek si David Lim Jr. sa pamamaril ng isang nurse dahil sa away-trapiko sa Cebu City. Itinakda ng Cebu City Prosecutor’s Office ang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Lim sa P144,000 kaugnay ng dalawang kasong kriminal na kinakaharap kaugnay ng pamamaril na naging […]
NAGHAIN ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P9.5 bilyong kasong tax evasion laban sa gumagawa ng sigarilyo na Mighty Corp. dahil umano sa pamemeke ng tax stamps para makaligtas sa pagbabayad ng excise tax sa gobyerno. Ayon sa Nongovernment Action for Economic Reforms, aabot sa P15 bilyon ang hindi binayarang buwis ng Mighty base […]
NAPIGILAN ng mga guwardiya ang tangkang pagpuslit ng shabu sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology district jail sa Pagbilao, Quezon kahapon, ayon sa pulisya. Sinabi ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police provincial director, na kusang isinuko ng suspek na si Elvira Lavilla, 35, ang apat na sachet ng shabu na kanyang […]
NAKAKULONG sina Supt. Marvin Marcos at 18 iba pang nga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group sa CIDG detention cell sa Tacloban City. Pinayagan ng Regional Trial Court sa Baybay City ang mga akusado sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa Sr. ng Albuera,Leyte, at Raul Yap na manatili sa police unit kung saan sila […]
TINANGKANG utakan ng isang user sa Surallah, South Cotobato ang mga pulis matapos lunukin ang dalawang sachet ng shabu kahapon. Nang dumating ang mga pulis sa kanyang bahay dahil sa reklamo ng tangkang pananakit, agad na nilunok ni Edward Mallo, 39, ng Barangay Dajay, Surallah, ang dalawang sachet ng shabu sa pagtatangkang itago na sangkot […]
PATAY ang tatlo katao, samantalang sugatan naman ang hindi pa mabilang na mga pasahero matapos magbanggaan ang isang bus at isang kotse sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Ilawod, Camalig, Albay, ayon sa pulisya kahapon. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Camalig police, galing ang Toyota Altis sa bayan ng Guinobatan at papuntang Legazpi […]
BAYBAY CITY, Leyte — IPINAG-UTOS ng isang lokal na korte ang pag-aresto sa mga lider at mga miyembro ng raiding team na bumaril at nakapatay kay Mayor Rolando Espinosa Sr. habang nakakulong sa Nobyembre 5, 2016. Ipinalabas ni Judge Carlos Arguelles, ng Regional Trial Court Branch 14 ang mga warrant laban kina Supt. Marvin Marcos, […]
PUMANAW na si dating senador Leticia Ramos-Shahani, 87, ayon sa kanyang pamilya. Noong isang buwan, napaulat na ipinasok siya sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Taguig. Ipinost ng kanyang anak na babae na si Lila kahapon ng umaga na pumanaw ang dating senador ganap na alas-2:40 ng umaga. “Bereft and full of […]
PATAY ang pito katao, kasama na ang 10-taong gulang na bata, samantalang kritikal ang isa pa matapos ang aksidente sa Santo Toma, Batangas kagabi. Sinabi ni Senior Inspector Erickson Go, Santo Tomas deputy police chief, na minamaneho ni Rodolfo Mandac Jr. ang isang 10-wheeler aluminum wing van sa kahabaan ng President Laurel Highway papuntang Tanauan […]