PATAY ang pito katao, kasama na ang 10-taong gulang na bata, samantalang kritikal ang isa pa matapos ang aksidente sa Santo Toma, Batangas kagabi.
Sinabi ni Senior Inspector Erickson Go, Santo Tomas deputy police chief, na minamaneho ni Rodolfo Mandac Jr. ang isang 10-wheeler aluminum wing van sa kahabaan ng President Laurel Highway papuntang Tanauan City, nang bumangga ito sa paparating na Toyota Corolla na minamaneho ni Romeo Abarientos sa Barangay San Roque ganap na alas- 9:45 ng gabi.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Cesar Almario, 16; Paul Aldrin Geroy, 16; Gerald Dellomos, 22; Deniel Abarete, 16; Romeo Abarientos, 26; at Jerome Abarientos, 10, pawang residente ng Barangay San Miguel, Sto. Tomas.
Hindi pa nakikilala ng pulisya ang isa pang biktima na nasawi rin sa aksidente.
Nananatili namang nasa kritikal na kondisyon ang biktimang si Aljay Torres, 17.
Ayon sa imbestigasyon, inokupa ng Corolla ang kaliwang lane nang bumangga ito sa wing van.
Nasa kustodiya na ng Sto. Tomas police ang driver ng van na si Mandac, na hindi naman nasaktan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.