Inquirer Archives | Page 29 of 118 | Bandera

Inquirer Archives | Page 29 of 118 | Bandera

Gilas Pilipinas mapapalaban sa Japan

MAPAPALABAN ngayong gabi ang Gilas Pilipinas kontra Japan sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Tokyo, Japan. Makakasagupa ng Gilas ang Japan alas-6 ng gabi (Philippine time) sa laro na gaganapin sa Komazawa Olympic Park Gymnasium. Inaasahan na babawian ng Japan ang Pilipinas matapos na matalo sa mga Pinoy […]

Suspek sa rape-slay arestado

DINAKIP ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 22-anyos na empleyado ng bangko, kaninang umaga sa Pasig. Natutulog ang truck driver na si Randy Oavenada, 37, sa kanyang kuwarto nang dakpin alas-9:30 ng umaga sa compound ng Timber Port Enterprises sa Ave. Extension, Brgy. Rosario, ayon kay Senior Supt. Orlando Yebra, hepe ng Pasig City […]

Magsasaka nalunod sa balon sa Nueva Ecija

PATAY ang isang magsasaka matapos malunod sa pitong-metrong lalim na balon sa isang sakahan sa Barangay San Antonio, Cuyapo, Nueva Ecija, ayon sa pulisya. Nadiskubre ang katawan ni Carlito Daligcon ng kanyang misis na si Marcelina, 23, ganap na alas-6 ng gabi. Pumunta si Daligcon sa kanyang sakahan para tubigan ang kanyang mga tanim. Isinugod […]

Braso ng MRT rider naikabit na

NAIKABIT ng mga doktor ang naputol na braso ng 24-anyos na babae na nahulog sa riles ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) Martes ng hapon. Ani Transportation Undersecretary Cesar Chavez, oobserbahan si Angeline Fernando hanggang Biyernes matapos ang isinagawang operasyon kaninang umaga. Naputol ang braso ni Fernando matapos mahulog sa pagitan ng pangalawa at pangatlong bagon […]

Deputy police chief natagpuang patay sa Tacloban City

NATAGPUANG patay ang isang opisyal ng pulis sa San Isidro,  Leyte sa isang bakanteng lote malapit sa opisina ng Department of Budget and Management-Eastern Visayas (DBM-8) sa Barangay Marasbaras ngayong araw. Nagtamo si SPO4 Ruben Dennis Diaz, 47, deputy police chief ng San Isidro, ng tama ng bala sa kanang sentido. Natagpuan ang isang basyo ng caliber […]

Trudeau sumakay ng electronic jeepney sa Makati

PAGKATAPOS mag-Jollibee, sumakay naman si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ng electronic jeepney sa kanyang pakikipagpulong sa Filipino-Canadian innovators ng nasabing sasakayan sa kanyang ikalawang pagbisita sa Pilipinas.   Sinamahan si Trudeau nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas Orbos sa isang seremonya na isinagawa sa harap ng […]

Mga nagprotesta vs Trump binomba ng tubig sa Maynila

BINOMBA ng tubig ang mga nagpoprotesta laban kay United States President Donald Trump, na kabilang sa  dumadalo sa 31st Association Southeast Asian (Asean) summit matapos silang magmartsa sa Maynila. Sa ulat ng Radyo Inquirer 990 AM, bitbit ng mga ralyista ang isang effigy ni Trump. Pinigil sila ng mga pulis sa kanto ng Padre Faure […]

Maria Isabel Lopez ipinatatawag ng LTO

IPINATATAWAG ng Land Transportation Office (LTO) ang dating beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez  matapos lumabag sa batas trapiko kaugnay ng paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at matapos dumaan sa Asean lane, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM. Ayon sa ulat, nahaharap si Lopez sa mga kaso kabilang na ang hindi […]

MMDA irerekomenda ang suspensyon ng lisensiya ni Maria Isabel Lopez

NAKATAKDANG irekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendihin ang lisensiya ng aktres na si Maria Isabel Lopez matapos na tanggalin ang mga plastic barrier at dumaan sa lane na inilaan para sa mga delegado na dadalo sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) summit. Sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na isang “serious […]

Payo sa mga magbabakasyon: Umalis na ng Metro Manila para makaiwas sa abala

PINAYUHAN ang mga magbabakasyon na umalis na ngayong gabi para makaiwas sa abala sa harap ng inaasahang pagdating ng mga delegado at opisyal na dadalo sa Association of Southeast Nations (Asean) summit. Sinabi ng Asean traffic committee na Sabado pa lamang ay isasara na nito ang dalawang innermost lanes ng Edsa na magiging exclusive lane para […]

4 patay, 8 sugatan sa aksidente sa Batangas

APAT ang patay, kasama na ang isang pulis, samantalang sugatan ang walong iba pa matapos ang aksidente sa Natatas Road sa Tanauan City, Batangas kaninang umaga, ayon sa pulisya. Sinabi ni Supt. Renato Mercado, Tanauan police chief, na kabilang sa mga nasawi ay sina Raymond Llenado, Senior Police Officer 3 Marqueses Valentino, Marvel Itoralde, at […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending