Mga nagprotesta vs Trump binomba ng tubig sa Maynila | Bandera

Mga nagprotesta vs Trump binomba ng tubig sa Maynila

- November 13, 2017 - 02:25 PM
BINOMBA ng tubig ang mga nagpoprotesta laban kay United States President Donald Trump, na kabilang sa  dumadalo sa 31st Association Southeast Asian (Asean) summit matapos silang magmartsa sa Maynila. Sa ulat ng Radyo Inquirer 990 AM, bitbit ng mga ralyista ang isang effigy ni Trump. Pinigil sila ng mga pulis sa kanto ng Padre Faure st. at  Taft Ave. Base sa ulat, tinangka ng tinatayang 5,000 nagpoprotesta na makalapit sa Philippine International Convention Center (PICC),  kung saan isinasagawa ang Asean. Nang magtangkang magpatuloy sa pagmamartsa, ginamitan na ang mga ralyista ng tubig mula sa mga trak ng Bureau of Fire Protection (BFP) personnel.   Bago marmartsa patungong Taft Ave., nagsunog pa ang mga militante ng mga bandila ng United States  matapos magtipon sa Liwasang Bonifacio.   Kapwa nakamasid naman sina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde at Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Joel Coronel sa nangyayaring protesta.   Pinayuhan ni Coronel ang publiko na umiwas sa Taft Ave. dahil sa mga rali.    “I-expect ng public na mapeperwisyo dahil sa ongoing protest rally kaya iwasan po natin ang Padre Faura corner Taft Avenue,” sabi ni Coronel. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending