AP Archives | Page 9 of 28 | Bandera

AP Archives | Page 9 of 28 | Bandera

Toronto Raptors nakubra ang ikawalong diretsong panalo

TORONTO — Umiskor ng Kyle Lowry ng 21 puntos habang si Jonas Valanciunas ay may 20 puntos para sa Toronto Raptors na dinurog ang Los Angeles Clippers, 112-94, kahapon para mahablot ang season-high ikawalong sunod na panalo. Sina DeMar DeRozan at Terrence Ross ay nag-ambag ng tig-18 puntos para sa Raptors. Si Ross ay tumira […]

Stephen Curry binuhat ang Golden State Warriors vs Indiana Pacers

OAKLAND, California — Gumawa si Stephen Curry ng 39 puntos para tulungan si coach Steve Kerr na magwagi sa kanyang season debut para sa Golden State Warriors sa itinalang 122-110 pagwawagi laban sa Indiana Pacers sa kanilang NBA game kahapon. Nagbalik si Kerr buhat sa kanyang leave of absence na nagsimula pa noong Okutbre 1 […]

Cleveland Cavaliers bumangon laban sa Brooklyn Nets

NEW YORK — Gumawa si Kevin Love ng 17 puntos at 18 rebounds para sa Cleveland Cavaliers na nakabangon buhat sa nakakahiyang paglalaro kontra Golden State Warriors matapos itala ang 91-78 pagwawagi sa Brooklyn Nets sa kanilang NBA game kahapon. Si LeBron James ay kumana rin ng 17 puntos at pinahinga kasama ni Love sa […]

Westbrook bumida sa panalo ng Oklahoma City Thunder kontra Miami Heat

OKLAHOMA CITY — Itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ikalawang sunod na triple-double para tulungan ang Oklahoma City Thunder na talunin ang Miami Heat, 99-74, sa kanilang NBA game kahapon. Si Westbrook ay nagtapos na may 13 puntos, 15 assists at 10 rebounds. Ito naman ang kanyang ikalimang triple-double ngayong season at ika-24 sa kanyang […]

Golden State Warriors ginulpi ng Detroit Pistons

AUBURN HILLS, Michigan — Kumana si Kentavious Caldwell-Pope ng 20 puntos para sa Detroit Pistons na pinatikim ang Golden State Warriors ng ikaapat na pagkatalo ngayong season, 113-95, sa kanilang NBA game kahapon. Naging malaking tulong sa opensa ng Pistons ang ginawa ni Caldwell-Pope bagamat natoka itong bantayan sa depensa si Curry. Ang Golden State […]

Cleveland Cavaliers giniba ang Houston Rockets

HOUSTON — Umiskor si Kyrie Irving ng 23 puntos habang si LeBron James ay nagdagdag ng 19 puntos para sa Cleveland Cavaliers na winakasan ang kanilang pinakamahabang road trip ngayong season sa pagtala ng 91-77 panalo sa Houston Rockets kahapon. Isinara ng Cavaliers ang kanilang anim na laro na malayo sa kanilang homecourt at ikalawang […]

Parker binuhat ang Spurs sa panalo kontra Cavaliers

SAN ANTONIO — Umiskor si Tony Parker ng 24 puntos at gumamit ang San Antonio Spurs ng matinding ratsada sa pagbubukas ng ikaapat na yugto para talunin ang Cleveland Cavaliers, 99-95, kahapon para manatiling walang talo sa kanilang homecourt ngayong season at maiganti ang dating pagkatalo sa kanilang arena. Si Kawhi Leonard ay nagdagdag ng […]

Golden State Warriors ginulat ng Denver Nuggets

DENVER — Tinalo ng Denver Nuggets ang nagdedepensang kampeong Golden State Warriors, 112-110, kahit pa umiskor ng 38 puntos ang reigning Most Valuable Player na si Stephen Curry kahapon sa NBA. Gumawa si Danilo Gallinari ng 28 puntos para pangunahan ang  opensa ng Nuggets na pinutol din kahapon ang seven-game winning streak ng Warriors. Ito […]

LeBron, Kyrie inihatid ang Cavs sa OT panalo kontra Mavs

DALLAS — Gumawa si LeBron James ng 27 puntos kabilang ang the go-ahead layup sa overtime habang si Kyrie Irving ay nagdagdag ng 22 puntos at ilang krusyal na 3-pointers para sa Cleveland Cavaliers na pinalawig ang winning streak sa walong laro matapos itala ang 110-107 panalo laban sa Dallas Mavericks kahapon. Ang layup ni […]

Chicago Bulls nakaanim na diretsong panalo

CHICAGO — Gumawa si Pau Gasol ng 17 puntos at 18 rebounds habang si Derrick Rose ay umiskor ng 18 puntos para pamunuan ang Chicago Bulls na talunin ang Boston Celtics, 101-92, at masuwag ang ikaanim na diretsong panalo sa kanilang NBA game kahapon. Si Jimmy Butler ay nagdagdag ng 19 puntos at 10 assists […]

LeBron, Kyrie binuhat ang Cleveland Cavaliers kontra Washington Wizards

WASHINGTON — Umiskor ng game-high 34 puntos si LeBron James at sumandal ang Cavaliers kay Kyrie Irving sa fourth quarter para malusutan ng Cleveland ang Washington Wizards, 121-115, kahapon sa NBA. Ibinuhos ni Irving ang 21 sa kanyang 32 puntos sa huling period kabilang ang 10 sunod na puntos na sumelyo sa ikalimang sunod na […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending