Panay ang deklara ng China na “bilateral talks” o pag-usapan lang daw ng Pilipinas at ng kanilang bansa ang pagtatalo sa South China Sea. Ibig sabihin , hindi dapat makialam ang Amerika, ang European Union o kahit ang magkakapitbahay na bansa sa ASEAN sa mga pagtatalo ng kung sino ba talaga ang may-ari ng exclusive […]
Isang napakasamang panaginip sa mga matagal na naghaharing rice importers ang pamimigay ni BBM ng mga nakumpiskang “smuggled” premium rice ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Bgy. San Jose Gusu, Zamboanga City. Tumataginting na P42 milyon na halaga ng bigas na may kabuuang 42,180 sako na hindi nagtutugma ang mga dokumento ng Customs […]
ITINAAS ang tsunami alert sa tatlong lalawigan sa Bicol at Samar matapos na ito ay yanigin ng 6.6 magnitude na lindol nitong gabi ng Martes. Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga naninirahan malapit sa dalampasigan ng Catanduanes, Northern Samar, at Eastern Samar na lumayo muna sa mga baybayin at tumungo […]
NIYANIG ng 6.6 magnitude na lindol ang Samar at Kabikulan nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Naitala ang lindol sa 120 kilometro sa timog-silangan ng Gigmoto, Catanduanes, sa ganap na 8:54 ng gabi. Walang naiulat na nasaktan o pinsala sa lindol na may lalim na siyam na kilometro. […]
MATATANGGAP na ng mga retiradong kawani ng gubyerno ang kanilang pensiyon ngayong Miyerkules, tatlong araw bago sa regular na schedule, ayon sa Government Services Insurance System (GSIS). “Ipapadala natin ang pensiyon ng ating mga pensyonado sa Abril 5 sa halip na sa karaniwang e-credit tuwing ikawalo ng bawat buwan,” ani GSIS President at General Manager […]
CEBU CITY — Nalagpot kaayo mo! Nahaharap sa kasong pangangalunya ang dalawang pulis matapos mahuling magkasama sa isang motel sa bayan ng Talibon sa Bohol nitong Martes. Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Corporal Mac Louie Dabon at Patrolwoman Analuna Valentos. Ayon kay Police Col. Lorenzo Alfeche Batuan, director ng Bohol Provincial Police Office, […]
ANG bawal na pag-ibig ay nakamamatay. Todas ang isang 40 anyos na magsasaka matapos saksakin sa dibdib ng isang lalaki dahil sa umano’y “love triangle” sa bayan ng Candelaria sa lalawigan ng Quezon nitong Miyerkules ng gabi, Marso 29. Ayon sa ulat ng pulisya ng Quezon nitong Huwebes, papauwi na sa kanyang bahay si Allan […]
NIYANIG ng 4.2 magnitude na lindol ang Davao de Oro ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Walang anumang ulat ng nasugatan o pinsala sa lindol na may lalim lamang na isang kilometro. Naganap ang pagyanig ganap na 6:37 ng umaga at ang epicenter nito ay matatagpuan may 12 […]