MAALAB na binuksan kahapon ng Powerhouse Petron XCS ang kampanya nito para mapanatili ang kampeonato sa women’s division ng Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup. Kahapon ay binigo ng tamabalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang Generika-Ayala A nina Fiola Ceballos and Patty Orendain, 19-21, 21-14, 15-8, sa pagbubukas ng liga sa Sands By […]
CEBU — Pinalakas ni John “Rambo” Chicano ang kanyang tsansa na makasama sa pambansang delegasyon na sasabak sa 18th Asian Games matapos biguin ang kapwa national athlete na si Nikko Huelgas sa triathlon event ng 2018 Philippine National Games na isinagawa kahapon sa Maravilla Beach sa Tabuelan, Cebu. Kinumpleto ng 21-anyos mula Sta. Cruz, Zambales […]
BAGUIO CITY—Tinanghal na hari ng 2018 Le Tour de Filipinas kahapon si El Joshua Cariño ng Philippine Navy-Standard Insurance. Ibinuhos ng 25-anyos na si Cariño ang lahat ng kanyang makakaya sa dulo ng 154.65-km final leg na nagsimula sa Lingayen, Pangasinan at nagtapos dito sa Burnham Park. Tumapos lamang siya sa pangatlong puwesto sa karera […]
HINDI nagpakita si Pangulong Duterte sa paggunita ng unang taon ng paglusob ng teroristang grupong Maute Group sa Marawi City. Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na wala sa schedule ni Duterte ang pagbisita sa Marawi. Dagdag ni Go, walang balak gunitain ng gobyerno ang simula ng gera sa Marawi. […]
OAKLAND, California — Umiskor ng 30 puntos si James Harden at nagdagdag naman ng 27 puntos si Chris Paul para pamunuan ang 95-92 panalo ng Houston Rockets laban sa Golden State Warriors kahapon sa Game Four ng NBA Western Conference finals. Tabla na ang kanilang best-of-seven series sa tigalawang panalo. Nakuha ng Rockets ang panalo […]
BAGO pa manalo si Maddie Pope sa newest season ng talent show na American Idol, super happy na ang Kapamilya singer-actor na si Marlo Mortel dahil sa ipinadala nitong mensahe para sa kanila ng kanyang ina na may cancer. Isa si Marlo sa mga masuswerteng sinagot ni Maddie sa IG Stories nito at nagbigay ng […]
NA-CONFINE pala sa ospital si Awra Briguela matapos sumailalim sa operasyon kamakailan. Sa kanyang Instagram account, nag-post ang batang comedian ng ilang litrato na kuha sa ospital kung saan siya dinalaw ng kanyang mga kaibigang sina AC Bonifacio (sumali sa Your Face Sounds Familiar) at Riva Quenery, sikat na vlogger at dating member ng grupong […]
NAG-VIRAL ang isang litrato sa social media na pinaniwalaan ng maraming netizens na siyang itsura ngayon ng Hollywood superstar na si Jet Li. Ayon sa mga nabasa naming komento sa socmed, may sakit daw ngayon ang sikat na international star kaya bumagsak bigla ang kalusugan nito. Balitang patuloy na nakikipaglaban si Jet Li sa sakit […]
KUMONTI ang mga Filipino na naniniwalang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Nabawasan din ang mga Filipino na naniniwala na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na isang taon. Ayon sa survey na isinagawa noong Marso 23-27, ang mga naniniwala na gaganda ang kanilang […]
NAGTAMO ng pinsala ang 11 katao, karamiha’y menor de edad, nang tamaan ng kidlat ang isang kapilya sa Bago City, Negros Occidental, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Nagtamo ng “minor injuries” at dumanas ng pamamanhid sa iba-ibang bahagi ng katawan sina Mary Ann Bernasol, 29; Jelie Belen, 17; Rosie Chu, 42; Maricar Amar, 17; […]