CEBU — Pinalakas ni John “Rambo” Chicano ang kanyang tsansa na makasama sa pambansang delegasyon na sasabak sa 18th Asian Games matapos biguin ang kapwa national athlete na si Nikko Huelgas sa triathlon event ng 2018 Philippine National Games na isinagawa kahapon sa Maravilla Beach sa Tabuelan, Cebu.
Kinumpleto ng 21-anyos mula Sta. Cruz, Zambales na si Chicano ang 750m swim, 20km Bike at 5km run sa loob ng isang oras at 01:03 minuto upang agawin sa two-time Southeast Asiam Games gold medalist na si Huelgas ang pagiging numero unong atleta ng bansa sa triathlon.
“Well, we always take our race seriously,” wika ni Chicano, na dalawang beses pumangalawa kay Huelgas sa huling dalawang edisyon ng SEA Games. “This is part of the national program and talagang level-up ourselves saka may pressure din dahil this is part of the training for the national team.”
Ito ang unang pagkakataon na naibulsa ni Chicano ang gintong medalya sa men’s 18 above category.
Si Huelgas ay nagtala ng 1:01:35 tiyempo para makuha ang pilak at pumangatlo naman si Julius Constantino sa oras na 1:02:38.
Ikalawang pagkakataon din na naungusan ng International Triathlon Union World rank 672 at Duathlon rank 26 na si Chicano si Huelgas sa kanilang labanan bilang miyembro ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP).
Iniuwi naman ni Kim Kilgroe ng Zambales-National Team ang ginto sa Women’s 18-above sa oras na 1:09:56 upang siguruhin din ang kanyang silya sa pambansang koponan. Ikalawa si Una Sibayan ng Muntinlupa City (1:21:56) at ikatlo si Rue Reinhadt Panibon ng Cebu City (1:23:36).
“All-out kami ni Nikko lagi lalo na sa three loops ng run kasi pagbaba sa bike ay hataw na at tirahan kami. Pace kami ni Nikko tapos napansin ko kailangan ko na i-break ang pace with Nikko kaya tumira ako konti at nakita ko lumalayo so itinuloy ko na lang,” sabi ni Chicano.
“Sa tingin ko nakatulong kami sa grassroots nina Nkko at Kim kasi nakikita namin na may mga gustong sumabay sa amin na mga bagong atleta, and that is a good chance na maipakita din namin ang challenge sa kanila,” sabi nito.
Iniuwi naman ng pinakabagong miyembro na si Kim Kilgroe ng Zambales-National Team ang ginto sa Women’s 18-above sa oras na 1:09:56m upang siguruhin din ang kanyang silya sa pambansang koponan.
Ikalawa si Una Sibayan ng Muntinlupa City (1:21:56m) at Rue Reinhadt Panibon ng Cebu City (1:23:36m).
“My first time to run as a national team member,” sabi ni Kilgroe. “It’s fun, it is a very good course, it’s a good training race before the Asian Games, before the June 17 sa SUBIT SEA champs, then sa ITU in China and Japan then head towards the Asian Games,” sabi ng 28-anyos at full-time elite professional na si Kilgroe.
“I was included in the pool two years ago but 2012 is my first race. it’s great and awesome competing with the other national athletes and nice to represent the country here in a try-out for the national team. I was a late starter in triathlon, and competing against the national team is pushing myself to others, want to be example to others to bridge the gap, and compete at their best,” sabi pa ni Kilgroe.
Nagwagi naman sa Men’s 16-17 category si Joshua Ramos ng Baguio-National Team sa oras 1:07:40m. Ikalawa si Josh Angelo Averion ng Muntinlupa City (1:08:11m) at ikatlo si Christian Lloyd Saladaga ng Cebu City (1:08:31m).
Naiuwi naman ni Aninika Diandra Gregorio ng General Santos sa oras na 1:24:42m ang ginto sa women’s 16-17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.