August 2015 | Page 76 of 90 | Bandera

August, 2015

Kelly Williams out na sa Gilas pool

SA unang araw ng pagsasanay ng national pool sa basketball ay isang manlalaro ang kinailangang tanggalin bunga ng injury. Ang beteranong 6-foot-7 Fil-Am forward na si Kelly Williams ay hindi na makakasama sa koponang inihahanda ni coach Tab Baldwin para sa 2015 FIBA Asia Men’s Championship sa Changsa, China nang siya ay nadulas habang nag-eensayo […]

San Beda, JRU magkakasukatan

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan) 2 p.m. JRU vs San Beda 4 p.m. Arellano vs Perpetual Help Team Standings: Letran (7-0); San Beda (5-1); Perpetual Help (4-2); JRU (4-2); Arellano (4-2); Mapua (3-3); St. Benilde (2-5); EAC (1-5); Lyceum (1-6); San Sebastian (1-6) DIDIKIT pa ang San Beda sa nangungunang Letran habang mag-uunahan […]

Poe inaming umiinom ng beer pero iginiit na hindi siya alcoholic

SINAGOT ni Sen. Grace Poe ang alegasyon na siya ay lasengga sa pagsasabing bagamat umiinom siya ng beer, hindi naman siya alcoholic. “Kung umiinom man, sa party, San Miguel Beer or white wine, hindi naman po siguro lasenggo yun at hindi po ako nagpa-rehab,” sabi ni Poe. Ito’y matapos namang lumabas sa mga pahayagan ang […]

Poe sinabing mga paninira sa kanya inaasahan niyang maglalabasan pa

SINABI ni Sen. Grace Poe na inaasahan niyang magsusulputan pa ang mga paninira sa kanya matapos namang ang tangkang pagsasampa ng petisyon na kumuwestiyon sa kanyang nationality. “Ako’y humihingi ng pang-unawa sa ating mga kababayan, marami pa pong ganyan ang darating. Ikinalulungkot ko na hindi natanggap ngayon sapagkat ito sana’y pagkakataon na rin na mabigay […]

CA sinabing iligal ang anti-smoking campaign ng MMDA

IDINEKLARA ng Court of Appeals (CA) na iligal ang anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa 16-na-pahinang desisyon, sinabi ni appeals court 12th division Associate Justice Maria Elisa Sempio-Diy na hindi kabilang ang MMDA sa mga ahensiya ng gobyerno na inatasan sa ilalim ng Republic Act 9211 o the Tobacco Regulation Act of […]

Pinakamalakas na bagyo nasa bansa na

Pumasok na kahapon sa Philippine Area of Responsibility ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon. Sa ipinalabas na advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminisration bago magtanghali kahapon, sinabi nito na ang bagyong Hanna ay nasa layong 1,380 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan. Mayroon itong hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras […]

Mayor Binay kinuwestiyon ang paglipat sa DOJ ng inihaing libel vs Trillanes

KINUWESTIYON ng kampo ng suspendidong Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay ang paglilipat ng kanyang inihaing libel laban kay Senator Antonio Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) mula sa Makati Prosecutors office. Nabigo namang sumipot si Trillanes sa Preliminary Investigation. Kinasuhan siya ng libel matapos ang kanyang akusasyon na dalawang Associate Justice ng Court […]

Nagtitinda ng dyaryo nanalo ng P6.1M jackpot sa 6-digit

Isang babae na nagtitinda ng dyaryo ang nanalo ng P6.1 milyong jackpot prize sa 6-Digit draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang nanalo ay 52 taong gulang, may-asawa, apat na anak at nakatira sa Cavite. Siya ng nakakuha ng mga numerong 1-4-7-3-4-1 sa draw noong Hulyo […]

Mar Roxas kay Grace Poe: Would you be my VP?

“I invite Senator Grace Poe to join this tandem.” Ito ang naging panawagan ni Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas kay Senator Grace Poe Miyerkules na inihayag niya sa national television. Hinikayat ni Roxas na magivg bise presidente niya ang senador sa darating na 2016 elections. “Inimbita ho natin, bukas po ang ang partido, bukas po […]

‘Yaya Dub’ bigatin na bago pa pumasok sa showbiz

KLIK na klik ngayon si Nicomaine Dei “Maine” Mendoza aka “Yaya Dub” na araw-araw na inaabangan sa “Juan for All, All for One” segment sa Eat Bulaga. Pero ano nga ba o sino nga ba si “Maine” kung hindi siya si “Yaya Dub” o si Divina Ursula Bokbokova? Flight stewardess sana ngayon si Yaya Dub […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending