SA ikalawang sunod na laro ay tinambakan ng San Antonio Spurs ang Oklahoma City Thunder para makuha ang 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-seven NBA Western Conference finals series. Matapos manalo sa Game One, 122-105, ay muling nanalasa ang Spurs sa Game Two kahapon, 112-77, sa pangunguna nina Tony Parker na may 22 puntos at Danny […]
Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 5:45 p.m. Alaska Milk vs Globalport 8 p.m. Rain or Shine vs San Miguel Beer Team Standings: Air21 (1-0); Alaska (1-0); Barangay Ginebra (1-0); San Mig (1-0); Talk ‘N Text (1-0); Barako Bull (1-1); Globalport (0-1); Rain or Shine (0-1); San Miguel Beer (0-1); Meralco (0-2) SISIKAPING sundan ng Alaska […]
PIPIGILAN ng Mexican trainer na si Nacho Beristain si Juan Manuel Marquez na tanggapin ang alok na ikalimang pagtutuos kontra kay Manny Pacquiao. Para kay Beristain, sapat na ang apat na sagupaan ng dalawang mandirigma at hindi na dapat pumayag si Marquez na magkaroon ng isa pa dahil masasayang ang magandang panalo na naiukit nito […]
Hayan, may iskup sana kami kung tumuloy kami sa Dusit Hotel noong Miyerkules para sa Miss Teen Earth presscon ni IC Mendoza. Nakita raw kasing nag-dinner sa nasabing hotel sina Kris Aquino at Derek Ramsay. Mabuti na lang at kami agad ang tinawagan ng aming source na siya mismong nakakita sa pagpasok sa isang Japanese […]
Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, kung hindi magawang tanggihan ang pang-aabala ng mga kaibigan, kailangang pagkaperahan mo sila. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 8, 15, 19, 23, 29, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Red at gray ang buenas. Aries […]
Speaking of Julia Barretto, in fairness, masasabi na nating sikat na nga ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla dahil ayaw na siyang tigilan ng bashers. Talagang pinag-aaksayahan na siya ng panahon ngayon ng mga tao. Pero, natutunan na raw ng dalaga na tanggapin na ganito talaga ang showbiz, hindi kumpleto kung walang intriga. […]
Speaking of Coco Martin, talagang hanga kami sa pagiging professional ng award-winning Teleserye King. Imagine, kahit na lagare siya sa Ikaw Lamang at sa bago nilang movie ni Sarah G na “Maybe This Time”, wala kang maririnig na reklamo sa kanya? Kaya nga lahat ng nakakatrabaho niya ay abot-langit lagi ang papuri sa kanya. Tulad […]
Mariing itinanggi ni Vice Ganda na meron na agad siyang bagong dyowa matapos hiwalayan ang long-time boyfriend na pinaniniwalaang isang young basketball player. Ayon kay Vice, totoong nakikipag-date uli siya ngayon pero landi-landi lang daw muna, wala munang seryosohang relasyon. “Wala talagang bago. I swear. I think it’s okay to date pero wala munang relasyon. […]