Wacky Leaks Archives | Page 20 of 43 | Bandera

Wacky Leaks Archives | Page 20 of 43 | Bandera

Mr. Legislator nais makipag-ayos sa ex-official na siniraan

DAHIL panahon ngayon ng pagtitika kaya naman nauna nang nagsisi sa ilan sa kanyang mga kasalanan ang isang kontrobersiyal na mambabatas. Mismong ang ilan sa kanyang mga madadaldal na staff ang kumumpirma na nakikipag-ayos si Mr. Politician sa isang dating pulitiko na siniraan niya noong panahon ng halalan. Strong contender pa naman sana si Sir […]

Metro Manila congressman pa-bibo o talagang bida?

MARAMI ang nakakapansin sa kasipagan ng isang bagitong kongresista na mula sa isang lungsod dito sa Metro Manila. Bukod sa pagiging palangiti ay kapansin-pansin ang pagiging tapat nito sa kanyang tungkulin bilang mambabatas. Hindi siya pala-absent at talagang pinag-aaralan ang mga dokumento sa kanyang mesa hindi tulad ng ibang mambabatas na puro porma lang lalo […]

Madam official nagrereklamo, di raw nabibigyan ng budget

NAPURNADA ang ilang mga proyekto ng isang babaeng appointee ng Pangulo dahil hindi raw ibinigay ang pondo ng kanyang tanggapan. Paano naman ibibigay ang ekstrang pondo samantalang patuloy ang kanyang paninira sa liderato ng ahensya na mismong pinaglilingkuran niya. Sa ngayon ay sweldo lamang niya bilang isang opisyal ng ahensya ang kanyang nakukuha at sweldo […]

Opisyal nanabon dahil di siya na-FB live

SINABON ng isang government official ang kanyang mga staff makaraang sumablay ang mga ito na mai-Facebook live ang isa sa kanyang mga speaking engagement. Kilalang adik sa social media ang opisyal na ito ng gobyerno kung saan pati ang simpleng pagkain sa restaurant ay kinukunan pa niya ng mga litrato at saka i-popost sa kanyang […]

Si mayor negosyo muna bago publiko

DISMAYADO ang mga constituents ng isang super rich na mayor sa Central Luzon dahil wala rin daw itong ipinagkaiba sa dating alkalde na kanyang pinalitan. Wala raw malasakit si mayor dahil mas gusto niyang mahirapan ang mga commuter sa kanilang lungsod sa ngalan ng negosyo o kaya naman ay dahil sa maling bulong ng mga […]

Ex-mediaman naghihintay mabiyayaan ng pwesto sa Du30 administration

IBANG-iba ngayon ang ipinakikitang imahe ng isang dating mediaman na naging pulitiko rin sa nakalipas na mga taon. Para siyang galit sa mundo ayon sa aking Cricket lalo na nung ipakita nya sa akin ang mga latest tweets ng bida sa ating kwento ngayong araw. Masyado siyang aktibo sa social media at mistulan siyang berdugo […]

Posisyon ni Wanda Teo, target ni ex-Mr. Exec

MASAMA ang loob pero gustong bumalik sa administrasyon ng isang sinibak na opisyal ng isang government owned and controlled corporation. Target ng dating opisyal na ito ang pwesto bilang Department of Tourism secretary na umano’y swak sa kanyang portfolio. ‘Yun ay base naman sa kanyang paniniwala sa kanyang sarili. Kamakailan lang ay naging laman siya […]

Abogado naka-bulletproof car sa takot na balikan ni madam

AMINADO ang isa na rin ngayong sikat na abogado, na isang bulletproof na Sports Utility Vehicle (SUV) ang kanyang ginagamit sa kasalukuyan. Kaliwa’t kanan daw kasi ang mga banta sa kanyang buhay kaya dagdag na pag-iingat ang kailangan. Paano nga naman siyang hindi pag-iinitan gayung siya ang nasa likod ng pagpapatalsik sa isang mataas na […]

Mr. Politician pumuposisyon na para 2022 pres’l polls

HABANG nagkakagulo ang oposisyon at ang administrasyon sa iba’t ibang mga isyu ay tahimik lamang na nagmamasid ang isang mambabatas. Pinakikiramdaman niya ang galaw ng publiko kung saang kampo aayon ang mga isyu. Gamit ang traditional at online media ay nagagawa niyang sumakay sa iba’t ibang usapin para manatili siyang nakaukit sa isip ng publiko. […]

Paglabas ng memoir ni Mr. Official kinatatakutan

BALAK ng isang sikat na pulitiko na ngayon ay walang pwesto sa pamahalaan na maglabas ng isang “memoir” na nagdedetalye syempre sa makulay niyang buhay sa pulitika. Gusto niyang idetalye rito pati na ang tunay na pagkatao ng kanyang mga nakasama sa pulitika pati na rin ang ilang mga personalidad at mga businessmen na naging […]

Gov’t official sakay ng Ferrari, pasaway sa SCTEx

NOONG nakaraang araw ng Biyernes ay payapa naming binabaybay ang Northbound lane ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nang bigla kaming daanan ng apat na humaharurot na mga luxury cars. Una sa convoy ang isang kulay green na Ferrari, pangalawa ang kulay gray na Porsche, sinundan ng orange na BMW at pang-apat ang itim na Shelby Mustang. […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending