Gov’t official sakay ng Ferrari, pasaway sa SCTEx | Bandera

Gov’t official sakay ng Ferrari, pasaway sa SCTEx

Den Macaranas - February 21, 2018 - 12:10 AM

NOONG nakaraang araw ng Biyernes ay payapa naming binabaybay ang Northbound lane ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) nang bigla kaming daanan ng apat na humaharurot na mga luxury cars.

Una sa convoy ang isang kulay green na Ferrari, pangalawa ang kulay gray na Porsche, sinundan ng orange na BMW at pang-apat ang itim na Shelby Mustang.

May speed limit na ipinatupad sa SCTEX na mula 60Kph hanggang 100Kph at ang lalampas dito ay haharangin sa exit at bibigyan ng citation ticket.

Malinaw mula sa aking sasakyan na lampas sa 100Kph ang bilis ng nasabing mga sasakyan kaya sinabi ko sa aking sarili na yari sila pagda-ting sa dulo dahil tiyak na huhulihin sila.

Sa totoo lang, dinisenyo ang nasabing mga sasakyan para paharurutin at talaga namang mag-eenjoy ka kapag narinig mo ang humaharurot na tunog ng kanilang mga makina.

Pero dahil nasa loob sila ng isang lansangan na may speed limit na sinusunod ng karamihan sa mga motorista ay marapat lamang na sumunod sila sa panuntunan.

Ito ay para na rin sa safety hindi lamang ng mga sakay ng nasabing mga sasakyan kundi pati ng mga motorista na kanilang kasabay sa lansangan.

Naging malinaw ang lahat nang sila’y tumigil para magpa-gas sa loob ng isang gasoline station sa SCTEX.

Kaya pala feeling untouchables ang sakay ng nasabing mga sports car ay dahil isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa lead car na siya ring nagmamaneho sa kulay green na Ferrari.

At tulad ng aking inaasahan ay tuloy-tuloy lang sila sa paglabas sa SCTEX at hindi umubra ang mga bantay sa Tarlac exit na dapat ay mag-iisyu sa kanila ng citation tickets dahil na-intimidate sila sa sigang government official mula sa “North.”

Ang pasaway na pulitiko na nanguna sa pangangarera sa SCTEX noong Biyernes ng tanghali ay si Mr. R…as in Roadrunner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending