Mr. Legislator nais makipag-ayos sa ex-official na siniraan
DAHIL panahon ngayon ng pagtitika kaya naman nauna nang nagsisi sa ilan sa kanyang mga kasalanan ang isang kontrobersiyal na mambabatas.
Mismong ang ilan sa kanyang mga madadaldal na staff ang kumumpirma na nakikipag-ayos si Mr. Politician sa isang dating pulitiko na siniraan niya noong panahon ng halalan.
Strong contender pa naman sana si Sir sa isang mataas na posisyon sa pamahalaan pero ito ay naunsyami dahil sa kaliwa’t kanang isyu na ibinato sa kanya ng grupo ni Mr. Politician.
Kilalang operator sa mga black operations ang bida sa ating kwento ngayong araw at ito ay ginawa na niyang career sa ngalan ng pera at pulitika.
Pero dahil sa dami ng kanyang mga kalaban kahit na sa mismong loob ng august chamber ay napag-isip-isip niya na kailangan na rin niyang magbago ng strategy.
Isa pa sa kanyang iniisip ay kung ano ang kahihinatnan ng kanyang political carreer lalo’t patapos na ang kanyang termino.
Bago ang Lenten break ng Kongreso noong nakalipas na linggo ay kinausap ni Mr. Politician ang isa niyang kapwa mambabatas na anak naman ng pulitikong siniraan niya noong nakaraang eleksyon.
Laman ng kanilang usapan ang paghingi ng paumanhin sa kung anuman ang mga nagawa niyang atraso noong eleksyon.
Wala namang ibinigay na sagot ang babaeng mambabatas na anak ng siniraang pulitiko bagkus ay nakinig lang siya sa mga paliwanag ng tirador na legislator.
Kung tutuusin ay malalim ang samahan nina Mr. Politician at ng kanyang siniraan na dating pulitiko dahil magkasama sila sa mga plano sa pagpapabagsak sa dating pamahalaan ilang taon na ang nakalilipas.
Ang pulitiko na pilit na nakikipag-ayos sa pamilya ng isang dating pulitiko na siniraan niya nang husto noong nakaraang halalan ay si Mr. T…as in Trilogy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.