KASAMA na si Milan Melindo bilang isa sa mga natatanging Filipino boxing champion sa kasalukuyan. Ito ay matapos na tuluyang burahin ni Melindo ang mga masaklap na kabiguan sa mga naunang world title bout sa pagtala ng matinding unang round na knockout na panalo kontra Akira Yaegashi ng Japan sa kanilang International Boxing Federation (IBF) […]
MAGKAKUTSABA ang Abu Sayyaf at local officials, ayon sa isang non-government organization (NGO) sa Sulu. Nanawagan ang NGO, Save Sulu Movement (SSM), ng Senate investigation. Susmaryosep! walang mangyayari sa imbestigasyon sa Kongreso dahil puro pasikat lang ang gagawin ng mga kongresista kapag nasa harap sila ng TV camera. Pagkatapos ay wala namang silang resolusyon na […]
Hong Kong–NANINDIGAN ang gobyerno na hindi apektado ang pamumuhunan sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na banta ng terorismo at kidnapping. Sa isang press conference sa Hyatt Regency Hotel sa Hong Kong na batid naman ng mga negosyante na hindi lamang Pilipinas kundi buong mundo ang nanganganib sa banta ng terorismo. “’Yung terror threats talaga, […]
MISMONG magkakaumpukang becki ang nagsasabi na parang matinding pilay na nahilot ang pagiging ham actor ng male personality na marami nang trabaho ngayon sa isang malaking network. At magaling kuno ang humilot sa kanya, nagamot agad ang kabanuan niya sa pag-arte, hindi na siya nagsasayang ngayon ng panahon ng kanyang direktor, mga kasamahang artista at […]
WALANG takot na pumasyal si Derek Ramsay sa Bohol. Ayon kasi sa mga balita, ilang members ng Abu Sayaf ang nagkukuta na sa nasabing probinsiya. Ang pagbisita ni Derek sa Bohol ay bahagi ng pagiging endorser niya ng isang donut chain. Doon niya na-feel ang pagiging mabait ng taga-Bohol base na rin sa post niya […]
Dalawang rebelde ang napatay at limang kawal ang nasugatan nang salakayin ng mga kasapi ng New People’s Army ang isang detachment ng militar sa San Jose de Buan, Samar, iniulat ng militar. Sinalakay ng di mabatid na bilang ng rebelde ang detachment ng Civilian Active Auxiliary ng 52nd Infantry Battalion sa Brgy. Hilumot dakong alas-5 […]
Isang pulis ang nasawi at di pa mabatid na bilang ng armas ang natangay nang salakayin ng mga kasapi ng New People’s Army ang police station ng Maddela, Quirino kagabi. Nasawi si PO2 Jerome Cardenas nang paputukan ng mga rebelde ang istasyon, sabi ni Chief Insp. Avelino Cuntapay, tagapagsalita ng Quirino provincial police. Sinalakay ng […]
Hindi umano nakakabuti para sa imahe ng Philippine National Police ang pagkakaroon ng secret jail kung saan ikinulong ang mga tao na may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot. Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas dagdag na dagok ang secret jail sa Manila Police District station 1 sa pagpatay sa isang Korean […]
BAKIT nga kaya ganu’n? Sa kabila ng magandang imaheng ikinakambal sa isang aktres bilang makapamilya at matulungin sa kanyang kapwa ay ayaw pa ring mabura sa utak ng kanyang mga nakakatrabaho ang hindi niya kagandahang attitude? Sa mga pribadong umpukan ay palaging bumibida ang kamalditahan ng aktres, naaalala ng marami ang mga pautang niyang salita […]
SA iba’t ibang anggulo ko pupulsuhan ang naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Abu Sayyaf Group sa Inabanga, Bohol noong isang linggo. Una, ito’y tagumpay sa panig ng tropa ng pamahalaan na mapigilan ang plano ng ASG na makakuha ng mga bibihagin sa isa sa mga resorts sa Bohol. Sa katunayan, […]